WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, nag-away sa kanilang Valentine's date?
“Don’t me!” sabi ni Rona May kay Turing sa MagkasunDONG AwaYAN segment nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Sunday PinaSaya.
Tatlong bagay lang naman ang kanilang pinag-awayan habang nagde-date sa Valentine’s special ng Sunday noontime show.
Una, hindi nataon mismong February 14 ang kanilang Valentine’s date dahil sa trabaho ni Turing.
Pangalawa, naputol ang kanilang selebrasyon dahil sa isang tawag na tinanggap ni Turing. Naistorbo tuloy ang kanilang date.
Pangatlo, nakasalubong ng ex-girlfriend ni Turing na si Bambi ang mag-asawa sa restaurant na labis na ikinaselos ni Rona May.
Tuluyan na bang nasira ang kanilang Valentine’s date o mas naging mas sweet pa ang kanilang pagsasama? Panoorin ang video na ito.
READ: “Kahit hindi Valentine’s Day, sweet naman si Dong” – Marian Rivera
WATCH: Dingdong Dantes and Marian Rivera reveal their differences in a fast food commercial
WATCH: Marian Rivera, nagbigay ng update sa pagbabalik Primetime