
"...‘Yung aking Mars, si Manilyn, ay naku ay talagang magaling na aktres 'yan.” - John Feir
Kamakailan lang bumiyahe ang buong cast ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa bansang Japan.
Makikita sa mga post sa social media ng mga bida ng sitcom, tulad na lang ni Michael V, ang ilan sa mga highlights ng kanilang trip.
Sa exclusive sit-down interview ng GMANetwork.com kay John Feir, nagkuwento ang Kapuso comedian sa bakasyon grande nila sa Land of the Rising Sun.
“’Napakasaya po. ‘Yung biyahe po naming 'yun, eh ano po, bakasyon po ‘yun noh. Pero alam niyo po tuwing magsasama po kami ng mga cast ng Pepito parang lagi kaming nagte-taping, ‘yung tawanan ganun, ‘yung saya ganun, walang kamatayan. Basta 'pag magkakasama kami the best.”
Taos puso din ang pasasalamat ni John sa mga televiewers ng Pepito Manaloto kaya isa ito sa mga award-winning show ng Kapuso Network.
Pinuri din nito ang co-star niya na si Manilyn Reynes na nanalo last month sa PMPC Star Awards for Music & TV nang masungkit niya ang award for Best Comedy Actress.
“Gaya nga ng sinabi ko nagpapasalamat ako sa tumatangkilik ng Pepito Manaloto at siyempre pa ‘yung aking Mars, si Manilyn, ay naku ay talagang magaling na aktres 'yan.”
“Hindi lang pang-comedy 'yan, pang-drama. Pang-aksyon kung meron papasukin ni Mane 'yan eh. At saka, siyempre pa, sa lahat ng cast ng Pepito Manaloto, ang tingin ko sa kanila lahat ay the best.”
Stars celebrate the big win of Manilyn Reynes at the PMPC Star Awards for Music and TV
MORE ON 'PEPITO MANALOTO':
Michael V, bakit naging emosyonal nang mapanood ang episode ng 'Pepito Manaloto?'
Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement
LOOK: 'Pepito Manaloto' star Ronnie Henares wins at the Chief PNP Bato Cup 2016