Benjamin Alves to Julie Anne San Jose: "Akin ka lang"
Si Benj at Julie ay magkakatambal din sa upcoming GMA-7 teleserye, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.
Nag-post si Julie Anne San Jose ng video habang naglalaro siya ng Mario sa isang "classic console."
Nag-comment naman dito ang kanyang rumored boyfriend na si Benjamin Alves na gusto niya rin ng console.
Ika ni Benj, "I want one, b." Sagot naman ni Julie, "Pwedeng pang-two players."
Agad naman nag-reply si Benj, "Ayoko, gusto ko ng sakin. Hahahahha. #nosharing"
Sabi naman ni Julie, "Ahh, ayaw ng may kahati. Ganon? Hahaha."
Pilyong comment naman ng aktor, "Bakit Ikaw gusto mo may kahati? Teka. Ano na ba pinaguusapan natin? Hahaha."
Nanindigan naman ang aktres, "Ayoko. Ang sa'yo ay sa'yo, ang akin ay akin. Hahahaha."
"Ganun, so, kanya kanya na tayo," Patampong tanong bigla ni Benj.
"Sabi mo no sharing!!! Hahaha," ika ni Julie.
At ang last pasabog ni Benj:
Napansin din naman ng fans ang friendly but also very sweet banter ng dalawa.
Ephraim x Santina. Pinulot Ka Lang Sa Lupa coming soon!
A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on
Si Benj at Julie ay magkakatambal din sa upcoming GMA-7 teleserye, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.
MORE ON BENMAIN ALVES AND JULIE ANN SAN JOSE:
Pamilya ni Benjamin Alves excited na makilala si Julie Anne San Jose