GMA Logo Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Mikee Quintos
Photo by: glaizaredux IG, gabbi IG,mikee IG
What's on TV

Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, masaya sa bagong yugto ng 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published December 5, 2025 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Mikee Quintos


Labis ang pasasalamat ng cast ng Sang'gre sa mainit na suporta ng fans!

Puno ng aksyon, twists, at iconic moments ang bagong yugto ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Isa sa mga ikinagulat at sinubaybayan ng fans ang pagkawasak ng ivtre ni Pirena (Glaiza De Castro) sa kamay ng kanyang ama na si Hagorn (John Arcilla).

Sa kabila ng paghihirap ng kanyang karakter, thankful at excited si Glaiza sa istorya ni Sang'gre Pirena.

"Grateful ako na nakabalik ako ng Encantadia. Hindi man sa Lireo kaagad ako napunta, [na]punta man ako sa Balaak, masaya ako na makita ko muli ang aking mga hadiya, syempre aking mga kapatid, dahil ganoon naman talagan si Pirena lagi siyang mission oriented," ani Glaiza sa panayam kasama ang 24 Oras.

Grateful rin si Gabbi Garcia na makabalik sa superserye bilang si Alena. Aniya, masaya siya na ipakita ang mas palaban at matapang na Hara ng Lireo.

"Mahal na mahal ko si Alena. So it's about time to be able to redeem herself and ito na 'yun," pahayag niya.

"I'm so happy na 'yung Encantadiks tuwang-tuwa rin. At least, they get to see the glimpse of how Alena will run Lireo and talagang ang laki din ng naging character arc ni Alena. From being a sweet girl, forgiving, soft-hearted, bigla ngayon, meron na siyang Alena 2.0."

Pinusuan din ng fans ang fight scenes nina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) laban sa mga ivtre sa Balaak. Kuwento ni Mikee, masaya siya na muling makasama ang 2016 Encantadia cast at labis excited sa mga susunod na mangyayari

"Mas exciting na unting-unting napupuno 'yung standby area ng girls ng 2016 cast. Abangan n'yo po kung ano-ano pang mga pasabog ang mangyayari sa Sang'gre," sabi niya.

Ngayong gabi, patuloy ang misyon ng mga bagong Sang'gre na hanapin ang tagapangalaga ng itim na Brilyante na si Gargan.

Samantala, haharapin din ni Mira ang kanyang pag-aalala nang lumiwanag ang kanyang palad habang kinukuwestiyon ni Lira ang "kabaliwan" ni Agnem (Mikoy Morales).

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Iboto rin ang superserye sa GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.

Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.

Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.