WATCH: Bae-by Baste, nag-a la Gov Lloyd sa bahay
Hindi lang sa Eat Bulaga naglalaro ng jack–en-poy si Bae-by Baste. Pati sa bahay, nahahasa ang kanyang galing sa traditional Filipino game.
Sa isang video na pinost ng kanyang mga magulang, napanood na nag-a la Gov Lloyd si Baste nang naglalaro ang kanyang ama na si Papa Sol at kapatid na si Baby Samsam.
A post shared by Baste (@iambaebybaste) on
Ginaya niya rin ang isa sa mga linya ni Gov Lloyd na ‘mata sa mata’ nang naglaro ang kaniyang pamilya.
Isa si Baste sa mga paboritong kalaro ng mga Jackpot en Poy contestants at siya ay may running record na 17 wins at 9 losses.
MORE ON BASTE:
WATCH: Maxine Medina, gusto maging leading man si Bae-by Baste
Bae-by Baste, 'di na umiiyak kapag natatalo sa 'Jackpot En Poy?'
LOOK: Bae-by Baste in his favorite mall