Kapuso Year in Review: Celebrity breakups of 2016
Silipin kung sino sa mga celebrities ang mga dumaan sa hiwalayan ngayong taon.
Bernard Palanca and Jerika Ejercito
January 2016 nang magsimula ang balitang hiwalayan nina Bernard Palanca at Jerika Ejercito. June ng 2016 naman nagsimula iringan nilang dalawa sa kanilang mga social media accounts kung saan naglabas rin sila ng kanilang mga dahilan sa kanilang paghihiwalay. Sina Bernard at Jerika ay may isang anak na si Isaiah Joseph.
Ciara Sotto and Jojo Oconor
Isa sa naging pinakamaugong na balita sa showbiz ang paghihiwalay nina Ciara Sotto at Jojo Oconor. Nagsimula ito sa makahulugang post ni Ciara Sotto sa kanyang Twitter account. Sa interview sa 24 Oras nitong July, nilinaw ni Ciara hiwalay na sila ni Jojo at napatawad na niya ito sa kanyang ginawa.
Denise Laurel and Sol Mercado
Ikinagulat ng lahat biglaang pag-call off ng engagement nina Denise Laurel at ang PBA player na si Sol Mercado. Ngayong 2016 dapat ikakasal ang dalawa ngunit nitong October ay isinapubliko nila ang kanilang paghihiwalay.
Sunshine Dizon and Timothy Tan
Pagkatapos ng anim na taon na pagsasama nina Sunshine Dizon at Timothy Tan, tuluyan na itong nauwi sa hiwalayan. Ang kanilang paghihiwalay ay dahil umano sa alleged third party. Matatandaang isinapubliko ng Kapuso star ang kanilang marital woes nitong June.
Donita Rose and Eric Villarama
Ginulat ni Donita Rose sa kanyang hindi inaasahang pahayag tungkol sa kanilang paghihiwalay ng kanyang asawa na si Eric Villarama. Dalawang taon umanong on and off ang kanilang relasyon simula nang bumalik si Donita sa Pilipinas hanggang sa matagpuan niya ang profile pic ng kanyang asawa ay kasama ang isang hindi kilalang babae.
Jake Cuenca and Sara Grace Kelley
Naghiwalay sina Jake Cuenca at ang kanyang American model girlfriend Sara Grace Kelley nitong 2016 ngunit ibinalitang nagkabalikan rin sila at naging magkasintahan sa loob ng tatlong buwan. Malungkot namang ibinalita ni Jake na naghiwalay silang muli sa ikalawang pagkakataon at ito umano ay for good na.
Rocco Nacino and Lovi Poe
Pagkatapos ng dalawang taon na relasyon, ang Kapuso couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe naghiwalay ngayong 2016. Sa isang panayam, inamin ni Lovi na ang kanilang paghihiwalay umano ay ang kanilang paraan para 'mag-grow separately.'
Daiana Menezes and former Cagayan de Oro Rep. Jose Benjamin "Benjo" Benaldo
Nitong Agosto kinumpirma ni Daiana Menezes na nag-file siya ng divorce sa kanyang asawa na si former Cagayan de Oro Rep. na si Jose Benjamin Benaldo. Nitong buwan lamang napabalitang single muli ang Brazilian TV personality dahil na-grant na ng Nevada Court ang kanilang divorce papers.
Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz
May 2016 nang lumabas ang kumpirmasyon mula kina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz sa kanilang paghihiwalay. Tumagal ang kanilang pagsasama ng mahigit tatlong taon.
Gab Valenciano and Tricia Centenera
2015 nang ikinasal sina Gab Valenciano at Tricia Centenera. Isang taon ang nakalipas nang ibinalitang hiwalay na ang dalawa. Ayon sa isang panayam kay Tricia umamin umano si Gab na nag-cheat siya sa kanyang asawa. Sa huli ay pinatawad ni Tricia si Gab sa kanyang ginawa.
Angel Locsin and Luis Manzano
Pagkatapos magkabalikan nina Angel Locsin at Luis Manzano, tuluyan na ring naghiwalay ang dalawa ngayong taon. Naging maugong rin ang pangalan ni Jessy Mendiola sa nasabing paghihiwalay ng dating magkarelasyon.
Bea Alonzo and Zanjoe Marudo
Kinumpirma ni Zanjoe Marudo sa isang panayam nitong Enero ang kanilang paghihiwalay ng aktres na si Bea Alonzo. Naging magkarelasyon ang dalawa ng higit sa limang taon.