IN PHOTOS: Mga artistang nagbukas ng negosyo sa 2016
Sumugal at nagbukas ng negosyo ang mga artistang ito ngayong taon.
Alden Richards
Nakapagbukas ng dalawang branch ng Concha's Garden Cafe si Alden Richards ngayong taon. Ang una ay sa Tagaytay at ang pangalawa ay sa Quezon City.
Benjamin Alves
Nadagdagan naman ng dalawang branches--sa Taguig at sa Eastwood--ang Book and Borders Cafe ni Benjamin Alves. Ang unang branch ay nasa Tomas Morato.
Bea Binene
Isang onling bag shop na The Style Bin naman ang pinagkakaabalahan ni Bea Binene kasabay ng kanyang mga TV projects.
Cherry Pie Picache
Binuksan ni Cherry Pie Picache ang pangalawang branch ng kanyang Filipino restaurant na Alab sa UP Town Center.
Marvin Agustin
Dinala naman ni Marvin Agustin at ng SumoSam Group ang tanyang na Wolfgang's Steakhouse sa Pilipinas early this year.
Anthony Taberna
Nagbukas din ng second branch ng Ka Tunying's Cafe si broadcaster Anthony Taberna. Matatagpuan ito sa Timog Avenue, habang ang naunang branch ay nasa Visayas Avenue.
Gabby Eigenmann
Sa Ortigas naman matatagpuan ang The Stockpile na joint business venture ng mag-pinsang sina Gabby at Geoff Eigenmann.
Meryll Soriano
Isang award-winning actress, photographer at ngayon ay negosyante na rin si Meryll Soriano matapos ilunsad ang Community, isang kumpanyang nagbebenta ng mga paper products tulad ng mga journals.
Lotlot de Leon
Nasa foodie strip ng Aguirre sa BF Homes ang bagong restaurant ni Lotlot de Leon na The South Grill.
Mark Herras and Wyn Marquez
Naging magkasosyo naman ang couple na si Mark Herras at Wyn Marquez sa food cart business na Wicked Carnival.