Action stars noon, natatandaan mo pa ba sila ngayon?
Noong dekada '80s - '90s, sumikat ng husto ang mga action movies. Sino-sino ang mga matitikas na aktor na madalas bumida sa mga pelikulang ito? Magbalik-tanaw sa gallery na ito.
Fernando Poe Jr.
Si Fernando Poe Jr., FPJ, o Da King na siguro ang pinaka sikat na action star sa pelikulang Pilipino. Sino ba ang hindi nakakaalam ng kaniyang tanyag na linyang 'Isang bala ka lang?'
Rudy Fernandez
Kung mayroong Da King, mayroon ding Da Boy at iyon ay si Rudy Fernandez. Siya ang tinaguriang 'The Last Pinoy Action King.'
Eddie Garcia
With 400 movies and TV shows under his belt, marami talagang nagawa na action films si Eddie Garcia a.k.a. Manoy.
Phillip Salvador
Phillip Salvador worked with famed Filipino director Lino Brocka for a lot of his films.
Raymart Santiago
Nagsimula bilang komedyante, 'di kalaunan ay naging action star din si Raymart Santiago.
George Estregan
Isa sa mga naunang action stars si George Estregan, ang kapatid ni Manila Mayor Joseph Estrada at ama ni E.R. Ejercito at Gary Estrada.
Ace Vergel
Bago si Robin Padilla, si Ace Vergel ang binansagang 'The Original Bad Boy of Philippine Movies.'