IN PHOTOS: Ang buhay ni Mark Anthony Fernandez
Kilalanin ang aktor, anak, kapatid at kaibigan na si Mark Anthony Fernandez na ngayo'y nahaharap sa isang kaso dahil sa pagkakasangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Mark Anthony Fernandez
Matagal nang nasa industriya si Mark Anthony Fernandez ngunit mas naging maugong ang kanyang pangalan matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana noong October 3.
Magulang
Si Mark Anthony ay anak ng namapayapang aktor na si Rudy Fernandez at ng aktres na si Alma Moreno.
Siblings
Half-brothers ni Mark Anthony sa kanyang ama sina Rap at Renz, habang half-sister naman niya si Wyn Marquez at half-brother si Vandolph Quizon sa kanyang ina.
Close
Kahit hindi buong magkakapatid ay naging malapit sila sa isa't isa. Kaya naman, ikinabagabag ng mga kapatid ni Mark Anthony ang pagkakakulong nito ngayon.
Sikat
Dahil sa kanyang kagwapuhan, at husay sa pagsayaw at pag-arte, ay hindi nahirapang sumikat si Mark Anthony noong 90's.
Rehab
Kasabay ng kasagsagan ng kanyang kasikatan ay ang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot. Naglabas-masok si Mark Anthony sa rehabilitation center, at noong 2004 ay mismong ang kanyang amang si Rudy ang nagpasok sa kanya rito.
Bagong buhay
Nang makalabas sa rehab, nagsumikap na magbagong-buhay si Mark Anthony. Hindi na raw niya balak na tumira ulit ng iligal na droga.
Kapuso shows
Naging bahagi si Mark Anthony ng ilang Kapuso shows tulad ng 'Kamandag,' 'Ako si Kim Samsoon,' 'Munting Heredera,' 'Rhodora X,' at 'Let the Love Begin.'
Musoleyo
Taong 2015 nang kanyang aminin na natulog siya sa musoleyo ng kanyang ama sa Heritage Park. Hiwalay na kasi sila ng kanyang asawang si Melissa at naghahandang lumipat sa binili niyang condo unit sa Clark, Pampanga ng mga panahong iyon.
Girlfriend
Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, nakakuha muli ng inspirasyon si Mark Anthony nang makilala niya ang kanyang nobyang si Diana. Aniya, siya raw ang kanyang soulmate.
Mug shot
Nakakulong at nahaharap ngayon sa isang non-bailable na kaso si Mark Anthony matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana.
Kulong
Wala pa mang hatol sa kanyang kaso, maaari raw na mabulok sa kulungan ang aktor dahil sa kanyang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Kung sakali namang makalaya ay mas nanaisin na raw ni Mark Anthony na tumira sa ibang bansa.