Filtered By: Celebrity Life | News
Cindy Kurleto
Celebrity Life

IN PHOTOS: Where is Cindy Kurleto now?

Isa si Cindy Kurleto sa mga artistang nakilala sa showbiz dahil sa talento at ganda.

Noong early 2000s ay nakilala si Cindy bilang isang model, host, at aktres. Sa kanyang maiksing panahon sa showbiz ay nagmarka si Cindy sa industriya dahil sa kanyang iba't ibang papel na ginampanan.

Ang Filipino-Austrian na showbiz personality ay napanood sa ilang commercials, nakita sa ilang billboards, at naging cover girl ng iba't ibang klaseng magazines. Isa sa mga tumatak sa publiko ay nang makilala siya bilang parte ng sexiest woman in the world list ng isang men's magazine. Kinilala rin si Cindy Kurleto dahil sa kanyang pagganap bilang si Cassiopea sa 'Encantadia' noong 2005.

Kasama rin sa mga ginawang proyekto ni Cindy ang comedy show na 'Daddy Di Do Du', kung saan nakatrabaho niya si Vic Sotto. Naging parte rin siya ng noontime show na 'Eat Bulaga' bilang isa sa mga host nito. Parte pa ng kanyang makulay na career sa showbiz ang pagiging VJ sa MTV Philippines.

Ngunit para sa ikabubuti ng kanyang kalusugan at pangarap na bumuo ng sariling pamilya, pinili na rin ni Cindy na umalis ng Pilipinas sa kabila ng kanyang kasikatan noon.

Sa kanyang interview sa 'Just In' noong January 2021, inamin ni Cindy na pinili niyang lisanin ang bansa para pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan. Ayon sa kanyang kuwento, na-diagnose siya ng PCOS or polycystic ovary syndrome, “I developed a hormonal imbalance that made me ill and that made me gain weight and made me very depressed and tired.”

Naging sanhi umano nito ang pagsasabay-sabay niya ng iba't ibang mga trabaho.

"I was working for MTV, I was working for Encantadia, I was working for 'Eat Bulaga,' I was working for 'Daddy Di Do Du,' and I had little pictorials for billboards scheduled at the same time.”

Pinayuhan si Cindy ng doktor na magpahinga kung nais niyang bumuo ng pamilya. Dahil rito, nilisan ni Cindy ang bansa at iniwan ang kanyang career sa showbiz.

Alamin ang buhay ngayon sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.