IN PHOTOS: Tingnan ang new look ng 'Sunday PinaSaya' cast!
Happy 1st Birthday, Sunday PinaSaya! Sila ang mga minahal niyo sa loob ng isang taon kaya invited kayo sa unang kaarawan ng inyong paboritong noontime show every Sunday. Abangan!
Aiai Delas Alas
Handa na si Philippine Queen of Comedy na makisaya sa engradeng selebrasyon ng 'Sunday PinaSaya.'
Kapuso comedian
Masaya ang Kapuso comedienne na umabot na ng isang taon ang programa. "Sana tumagal kami ng 10-15 years o kasing tagal ng 'Eat Bulaga.'"
Wally Bayola
Sino naman kaya ang beteranong aktor na tuturuan ni Coach Cynthia ng kanyang estilo sa pag-arte? Sinong panibagong karakter naman kaya ang bibigyang buhay ng komedyante?
Wally Bayola
Kasiyahan ang hatid ng Sunday noontime show sa mga manonood. Kasiyahan din ang hatid ng programa sa mismong mga host tulad na lang ni Wally: "Parang naglalaro lang kami, more on pagpapatawa so hindi namin [napansin] na one year na pala."
Barbie Forteza
"I feel honored and thankful to still be a part of the show," ang saad ni Kapuso Teen Queen Barbie Forteza.
Julie Anne San Jose
Isa si Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose sa mga sinusubaybayan kada Linggo dahil sa kanyang talento sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.
Julie Anne
"More production numbers, more comedy sketches, and more quality entertainment," ang kailangan i-look forward ng mga manunuod, ayon sa singer-actress.
Valeen Montenegro
Laking pasasalamat naman ng Kapuso actress sa kanyang pagkabilang sa show. "Still very proud it hasn't changed. I'm still very happy na pinili din akong makasama sa Sunday PinaSaya."
Valeen
Dress like a fairy! Ano'ng karakter naman ang gagampanan ng tisay na aktres sa mga susunod na linggo?
Jerald Napoles
"Funny is the new sexy" ang pinauso ng Kapuso comedian sa kanyang stint sa show. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ang kanyang naging susi para maging mabenta ang kanyang mga hirit.