Beyond the abs: Things you didn't know about Jak Roberto
Kilalang-kilala na ang six-pack abs ni Kapuso hunk actor Jak Roberto kaya naman narito ang iba pang mga bagay na hindi niyo alam tungkol sa kanya.
Serious actor
Kaya niyang gumanap ng seryoso at mabibigat na roles. Sa katunayan, kasama siya sa award-winning film ni Louie Ignacio na 'Laut.'
Preparation
Patunay na seryoso siya sa mundo ng showbiz, nagkaroon ng abs si Jak dahil sa paghahanda niya para sa kanyang role sa 'Laut.' Kuwento niya, kailangan niyang magkaroon ng katawang mukhang babad sa trabaho.
3logy
Lingid sa kaalaman ng nakararami, naging miyembro si Jak ng boyband na '3Logy' kasama ang kapwa Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Abel Estanislao.
Boyband
Ini-release ng '3Logy' ang unang music video nila para sa awit na 'Pwede Ba.'
Leading lady
Ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang pangarap ni Jak na maging leading lady
Adventurous
Mayroong adventurous side si Jak at naipapakita niya ito tuwing may guesting stint siya sa 'Unang Hirit.'
Activities
Nasubukuan na niyang sumakay sa 360-degrees swing, maglaro ng basketball sa isang indoor trampoline park, mag-Parkour, at marami pang iba.
Telefantasya
Gusto niyang gumanap sa isang telefantasya. Inamin niya na talagang mag-o-audition siya kung magkakaroon ng remake ng 'Machete.'
Machete
May pagkakatulad kay Machete ang naging karakter ni Jak sa 'Sunday PinaSaya' na si Bitag-ang.
Dog lover
Mahilig din sa aso si Jak. Sa katunayan, sinelebrate ni Jak ang first birthday ni Paris, ang alaga niyang french bulldog.
Ji Chang Wook
Marami ang nagsasabing kahawig ni Jak ang Korean actor na si Ji Chang Wook. Masaya naman si Jak na inihahambing ang features niya sa Korean actor.
Walang Tulugan
Nag-simula si Jak sa 'Walang Tulugan with the Master Showman.' Isa siya sa mga napasikat ng yumaong star builder na si German Moreno.
Lapida painter
Kinuwento ni Jak na noong bata siya, pumupunta siya sa sementeryo tuwing undas para magpinta ng lapida. Kumikita siya ng 30 hanggang 50 pesos kada lapida.
Loving boyfriend
Si Jak ay ang real-life boyfriend ng kanyang 'Kara Mia' co-star na si Barbie Forteza.