Aldub, Donita Rose, Sunshine Cruz, at Encantadia, trending sa social media
Ilang pagdiriwang at 'di magagandang balita ang pinag-usapan ngayong linggo (July 11 to 17) sa social media. Silipin ang mga ito.
Encantadia 2016
Nitong July 13, ginanap ang press conference pinakaaabangang​ ​telefantasya ng GMA, ang 'Encantadia'. ​Abangan ang pagsisimula nito bukas, July 18, sa GMA Telebabad. ​
Conan Stevens
Isa sa mga pinag-usapan sa press conference ng 'Encantadia' ay​ ang​ ​pagdalo​ ​ng aktor na si Conan Stevens o mas kilala bilang "The Mountain" sa American series na 'Game of Thrones'.
'Most Beautiful Stars of 2016'
Nitong July 11, pinangalanan ang mga artista na parte ng Yes Magazine's "Most Beautiful Stars of 2016".
Aldub's cover for the "Most Beautiful Stars of 2016"
Pinag-usapan rin ang nakakakilig na cover nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa Yes Magazine's 'Most Beautiful Stars of 2016'. Ang phenomenal loveteam ang pinangalanang most beautiful stars ngayong taon.
'Imagine You & Me' premiere night
Dinumog ng mga Aldub supporters at celebrities ang premiere night ng 'Imagine You & Me' na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza nitong July 12.
'Imagine You & Me' ticket sales??
​Sa unang araw palang ng 'Imagine You & Me,'​ ​mahigit 21M pesos ang kinita nito sa takilya.
Alden Richards' 7x platinum award
Nitong Linggo (July 17)​, ​pinarangalan ng GMA Records si Alden Richards ng 7x platinum award para sa kanyang album na 'Wish I May'. Ito ay iginawad kay Alden sa​ ​'Sunday PinaSaya.'
Buboy Villar, engaged na sa American girlfriend
Nitong July 13, inamin ni Buboy Villar na nagsasama na sila ng American girlfriend na si Angillyn Serrano Gorens. Tanggap na umano ito ng kanilang mga pamilya dahil parehong 18 years old na sina Buboy at Angillyn. Ilang araw matapos ibalita ito, ipinaalam nina Buboy at Angillyn na engaged na sila sa kanilang social media accounts.
Donita Rose at Eric Villarama, hiwalay na
Ibinahagi ni Donita Rose na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Eric Villarama. Ito ay nag-ugat umano sa nakita niyang litrato ni Eric sa Instagram account kasama ang isang hindi kilalang babae.
Cesar Montano, nakasama muli ang tatlong anak kay Sunshine Cruz
"All glory to God for my 3 beautiful daughters!", ito ang naging pahayag ni Cesar Montano nang muli silang magkaharap ng kanyang mga anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca. Ito ay nangyari umano sa birthday dinner​ ni Sunshine at nagkataong nasa parehong lugar​ ​rin si​​ Cesar.
Aldub's 1st Anniversary
Nitong Sabado (July 16), nagkaroon ng pagdiriwang para sa 1st anniversary ng Aldub.