#UNOFFICIAL: 10 rumored celebrity couples
Madalas makitang magkasama at sweet isa't isa, may relasyon nga ba ang celebrity couples na ito?
KC Concepcion and Aly Borromeo
Nagulat ang publiko nang mag-post si KC Concepcion ng litrato na kayakap ang Azkals team captain na si Aly Borromeo.
Holding hands
Bago pa ang nasabing photo, nauna nang nag-post si KC ng litrato na magkahawak-kamay sila ni Aly.
Luis Manzano and Jessy Mendiola
Maingay ang balitang nagkakamabutihan ngayon sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Ex-girlfriend
Ang ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin ang isa sa mga tinanong ng press tungkol sa isyu ngunit hindi niya ito kinumpirma.
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo
Sikat na love team dahil sa kanilang mga pelikula, may mga tsismis na may relasyon daw ngayon sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger
Pagkatapos ma-link kay celebrity doctor Mike Varshavski, kay Fil-Swiss racer Marlon Stockinger naman ngayon naiintriga si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach
Date night
Kamakailan ay nag-post ang dalawang celebrities sa kani-kanilang Instagram accounts ng kanilang date sa Singapore
Mikael Daez and Megan Young
Ilang taon na rin nababalitang may relasyon ang Kapuso stars na sina Mikael Daez at Megan Young.
Sweet
Kahit hindi nila kumpirmahin ang kanilang relasyon, kitang-kita naman sa kanilang Instagram accounts ang kanilang sweet photos.
Carla Abellana and Tom Rodriguez
Nagtambal sa hit Kapuso series na 'My Husband's Lover,' simula noon ay naging close na at laging nakikitang magkasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Alden Richards and Maine Mendoza
Sa tuwing tinatanong sina Alden Richards at Maine Mendoza kung may namamagitan na sa kanila, palagi nilang iniiwasan ang tanong at idinaraan na lamang sa biro.
Teleserye
Ngayong 2017 ay bibida na sa sarili nilang teleserye, ang primetime series na 'Destined To Be Yours.'
Gabbi Garcia and Ruru Madrid
Base sa kanilang Instagram photos, sino ba naman ang hindi magtataka na mayroong relasyon sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid?
Julie Anne San Jose and Benjamin Alves
Naging malapit sa isa't isa sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves nang maging love interest ni Julie Anne si Ben sa music video ng 'Naririnig Mo Ba'
Loveteam
Magtatambal sina Julie Anne at Ben sa upcoming Afternoon Prime series na 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa.'
Angeline Quinto and Erik Santos
Hindi pa rin inaamin ng kapwa singers na sina Angeline Quinto at Erik Santos na mayroon silang relasyon.