Filtered By: Showbiz News | News
IN PHOTOS: Sino-sino ang mga nakatira sa 'Calle Siete?'
Kilalanin ang mga bagong makakasama ninyo sa Mabuhay Compound tuwing umaga sa comedy-drama series na 'Calle Siete.'
Calle Siete
Iba’t ibang klaseng tao ang nangungumpahan sa Mabuhay Compound. Paano kaya ito pamamahalaan ng mag-asawa?
Mag-asawang Sebastian
Parehong OFW sina Mark at Shiela Sebastian. Nagdesisyon silang umuwi na ng Pilipinas upang ipundar ang kanilang dream house at negosyo. Si Lola Nitz naman ay kinalakihan ni Sheila at ang tagapangalaga ng Mabuhay clan. Tampok sina Eula Valdez, Christian Vasquez at Gloria Sevilla.
Magkakapatid
Sina Kenneth Earl Medrano, Ryzza Mae Dizon at Lucky Mercado ay ang ulilang magkakapatid na sina Jonas, John at Barbie Delloso.