IN PHOTOS: Introducing the impersonator behind Simpleni
Sino nga ba si Simpleni?
Simpleni
Siya si Joierie Ann Pacumio, ang gumaganap bilang Simpleni at impersonator ni Vice President-elect (VP) Leni Robredo.
Mata
Bago pa man daw niya gawin ang impersonation ay napansin na raw ng mga kaibigan ni Joierie na kamukha niya si VP Robredo. Malaki raw ang pagkakahawig ng kanilang mga mata.
Impersonation
Inaaral daw ni Joierie ang nuances ni VP Robredo lalo na ang kanyang mga pause sa pagsasalita para sa kanyang effective impersonation.
Live AIDS
Ang kanyang paggaya kay VP Robredo ay para sa kanyang karakter sa musical variety show ng kanyang organisasyon sa UP. Si Joierie ay bahagi ng UP SAMASKOM at gumanap na Simpleni sa 31st installment ng Live AIDS na pinamagatang HaLOLan, isang napapanahong tema dahil sa nangyaring eleksyon.
Strength
Ani Joierie sa panayam ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ strength niya bilang isang performer ang minimal acting. Kaya naman, naging madali lang din sa kanyang gayahin si VP Robredo na simple naman talaga.
Inspirasyon
Naging inspirasyon daw ni Joierie ang speech ni VP Robredo sa isang debate kung saan iaangat daw nito ang mga nasa laylayan.
Meeting
Unang nagkita at nagkakilala si Simpleni at VP Robredo nang maimbitahan si Joierie na dumalo sa send-off ng Sumilao farmers para kay VP Robredo. Nais daw siya nitong makilala. Sabi raw sa kanya ni VP Robredo ay mayroon din siyang bistida na kaparehong kapareho ng suot niya sa litrato.