#LOL: 15 Kapuso stars who reinvented comedy
They make sure the fun and laughter never stop. Take a look at the 15 Kapuso personalities who brought the new age of comedy to GMA Network.
JoWaPao
Matagal na sa industriya sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros bilang mga komedyante pero patuloy ang kanilang pagpapatawa sa mga Kapuso. Bagong entertainment ang kanilang hatid sa katauhan ng D’Explorer sisters na sina Lola Tinidora, Lola Nidora, at Lola Tidora.
Betong Sumaya
Maituturing na isa sa mga top Kapuso comedy acts ngayon si Betong Sumaya. Sino nga bang hindi nakiliti sa kakaibang pagpapatawa na dala ng kanyang pagganap bilang ang Teleserye Evil Queen na si Antonietta?
Boobay
Hindi matatawaran ang bilis at taba ng pag-iisip ni Boobay. Madalas siyang nagpapatawa noon sa ‘Celebrity Bluff’ at kamakailan ay naging bahagi na rin siya ng Kalye-serye bilang si Yaya Pak.
Kim Domingo
Isa sa mga pinakabagong members ng ‘Bubble Gang’ ang Kapuso pantasaya ng bayan na si Kim Domingo. Kahit sandali palang siyang lumalabas sa longest-running gag show, marami na sa videos niya ang certified viral.
Sef Cadayona
Natural kay Sef Cadayona ang pagiging isang komedyante. Dahil dito, siya ang bumida sa comedy retelling ng ‘Juan Tamad.’
Jerald Napoles
Dagdag katatawanan ang dala ng theater actor-turned-comedian na si Jerald Napoles sa ‘Sunday PinaSaya.’ Siya ang gumaganap na DJ Pete at Rico Fabio, at madalas kaekesena ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Valeen Montenegro
Sexy na, funny pa. ‘Yan si Valeen Montenegro. Mapapanood ang kanyang pagpapatawa sa ‘Sunday PinaSaya’ at sa ‘Poor Senorita.’
Snooky Serna
Sinong mag-aakala na ang veteran drama actress na si Snooky Serna ay isa ring komedyante? Kahit unang sabak pa lang niya sa pagpapatawa sa ‘Poor Senorita,’ bilib na sa kanya ang co-star na si Regine Velasquez.
Joey Paras
Nag-uumapaw sa talento lalo na sa pagpapatawa si Joey Paras. Mapapanood ang kanyang nakakaaliw na mga karakter sa ‘Princess in the Palace’ at ‘Sunday PinaSaya.’
Nar Cabico
Napukaw ng theater actor na si Nar Cabico ang ating atensyon sa pagganap niya bilang ang ingliserang taong-grasa na si Shakira, at simula noon ay mainit na siyang tinanggap sa telebisyon.
Denise Barbacena and Juancho Trivino
Bentang benta ang AlDub spoof nina Denise Barbacena at Juancho Trivino bilang ang tambalang AlBad ng ‘Bubble Gang.’