IN PHOTOS: Bata pa lang, artista na!
Alamin kung ilang taon nagsimulang pumasok sa showbiz industry ang celebrities na ito.
Angelica Panganiban
Sa edad na anim unang lumabas sa TV si Angelica Panganiban sa show na 'Love Note' (1992).
Chesca Salcedo
Five years old lamang si Chesca Salcedo nang gumanap siya bilang si Cruzita, ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 2007 version ng 'MariMar.' Now 16 years old, the young actress was last seen in 'Ika-5 Utos' as Lara.
Lianne Valentin
Nagsimula sa showbiz si Lianne Valentin bilang host ng children's show na 'Tropang Potchi' noong nine years old pa lamang siya. In 2018, naging bahagi siya ng pelikulang 'ML' at ng teleseryeng 'Kapag Nahati Ang Puso.'
Paul Salas
Six years old pa lamang noon si Paul Salas nang sumali siya sa 'StarStruck Kids' noong 2004. Napanood si Paul sa GMA Telebabad program na 'Lolong.'
Bianca Umali
Bago pumasok sa mundo ng show business, nagsimula si Bianca Umali noong 2 years old pa lang siya sa ilang commercial. Marami nang Kapuso dramas ang pinagbidahan ni Bianca tulad na lamang ng 'Sahaya' at 'Legal Wives.'
Renz Valerio
Sumikat si Renz Valerio bilang isang TV commercial model dahil sa katagang “isipin mo na lang ham yan!” Taong 2006 nang simulan niya ang kanyang showbiz career sa GMA noong siya ay eight years old pa lang.
Paolo Contis
Eight years old pa lamang noon si Paolo Contis nang mapabilang siya sa youth-oriented show na 'Ang TV' (1992).
Camille Prats
Bago pa man sumikat si Camille Prats bilang 'Princess Sarah,' nauna siyang na-discover sa pagsali niya sa 'Eat Bulaga' segment na Little Miss Philippines (1990).
Aiza Seguerra
Ang Little Miss Philippines (1987) din ang nagbukas ng pinto kay Aiza Seguerra sa mundo ng showbiz noong five years old pa lamang siya.
Billy Crawford
Tatlong taong gulang pa lamang si Billy Crawford nang ma-discover dahil sa pagkanta niya sa isang bowling alley at napabilang agad siya sa 'That's Entertainment' (1986).
Niño Muhlach
Binansagang Child Wonder of the Philippines, three years old pa lamang si Niño Muhlach nang mag-debut sa pelikulang 'Lulubog Lilitaw sa Ilalim ng Tulay' (1974).
Richard and Raymond Gutierrez
Three years old pa lamang ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez nang sumabak sila sa pelikulang 'Lahing Pikutin' (1987) kung saan nakatrabaho nila ang amang si Eddie Gutierrez.
Matet de Leon
Sa edad na tatlo, lumabas na sa pelikulang 'I Love You Mama, I Love You Papa' (1986) si Matet de Leon.
Judy Ann Santos
Pinasok ni Judy Ann Santos ang showbiz sa edad na walo nang mapabilang sa TV show na 'Kaming Mga Ulila' (1986).
Gladys Reyes
Produkto rin ng Little Miss Philippines (1984) si Gladys Reyes na sumali sa nasabing kompetisyon sa edad na anim.
Kathryn Bernardo
Sa drama series na 'It Might Be You' (2003) unang nakita sa telebisyon si Kathryn Bernardo sa edad na pito.
Julia Montes
Nagsimula si Julian Montes bilang Kapuso noong anim na taong gulang pa lamang siya sa show na 'Sana Ay Ikaw Na Nga' (2001).
Jiro Manio
Seven years old pa lamang noon si Jiro Manio nang mapabilang siya sa pelikulang 'Pamana' (1999).
Isabelle de Leon
Mas sumikat man bilang si Duday sa 'Dadedidodu,' unang lumabas sa telebisyon si Isabelle de Leon sa 'Munting Anghel' (2000).
Miguel Tanfelix
Limang taong gulang lamang si Miguel Tanfelix nang magpakitang-gilas siya sa 'StarStruck Kids' (2004).
Bea Binene
Tulad ni Miguel, ang 'StarStruck Kids' (2004) din ang nagtulak kay Bea Binene na pasukin ang showbiz noong seven years old pa lamang siya.
Mona Louise Rey
Si Mona Louise Rey naman ay eight years old pa lamang nang mapabilang sa cast ng 'Munting Heredera' (2011).
Ryzza Mae Dizon
Sino ba naman ang makakalimot nang sungkitin ni Ryzza Mae Dizon ang korona ng Little Miss Philippines (2012) noong seven years old pa lamang siya?
Chlaui Malayao
Nag-umpisa sa TV commercials si Chalui Malayao ngunit mas nakilala siya nang mapasama siya sa remake ng 'Yagit' (2014) sa edad na anim.
Rodjun Cruz and Rayver Cruz
Nagsimulang maging hosts ng GMA show na '5 and Up' ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz. Taong 1992 nang lumabas si Rodjun sa telebisyon noong siya ay limang taong gulang at sinundan naman siya ng nakababatang kapatid noong 1993.