Filtered By: Showbiz News | News
LOOK: Comedians duke it out on the 'Lip Sync Battle Philippines' arena!
Doble-doble ang contestants kaya doble-doble rin ang fun sa 'Lip Sync Battle Philippines!' Tingnan ang mga photos upang makita ang mga nangyari nang maglaban ang team Gladys Guevarra at Pekto versus team John Feir at Betong.
Battles begin
Hindi pa man nagsisimula ang labanan ay nag ta-trash talk na ang dalawang teams. Handang-handa na talaga silang magbabakan sa 'Lip Sync Battle Philippines.'
Gladys & Pekto
Unang sumabak ang team nina Gladys Guevarra at Pekto. Ni-rap nila ang kantang "Sirena" ni Gloc-9 featuring Ebe Dancel.
Betong as Barbie
For the second round, pinatunayan ni Betong na hindi lang siya "survivor," isa rin siyang "Barbie Girl!"
John Spainhour
Siyempre, kung mayroong Barbie, mayroon din dapat Ken kaya kinailangan nila ang tulong ng isa sa mga most-sought after model sa bansa, si John Spainhour!
Pekto & Gladys
Sa Grammys version ng "Proud Mary" noong taong 2008, nagsama ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa music na sina Tina Turner at Beyoncé Knowles at ito ang ni-lip-sync nina Pekto at Gladys.
Pekto as Tina Turner
Nag-ala Queen of Rock 'n Roll talaga itong si Pekto ng gayahin niya si Tina Turner.
Gladys as Beyonce Knowles
Kung si Pekto ang Queen of Rock 'n Roll; Queen B naman ang naging peg ni Gladys.
Gladys & Pekto win
Sa huli, ang team Gladys and Pekto ang tinanghal na winner ng third episode ng 'Lip Sync Battle Philippines.'