Untold stories behind DongYan and Baby Zia's IG photos
Ibinahagi ni Dingdong Dantes sa kanyang guesting sa 'Tonight With Arnold Clavio' ang mga istorya sa likod ng kanilang mga litrato.
Smiling Baby Zia
Ang litrato raw na ito ay kuha pagkatapos maligo ni Baby Zia. "Favorite time niya [Baby Zia] kapag naliligo. 'Yan 'yung isa sa mga times na natyempuhan ko na talagang tawa siya nang tawa. 'Yung right after na kapag tinutuyo na. Gustong-gusto niya 'yan," ani Dingdong.
First wedding anniversary
Nasa Tagaytay raw sila nito dahil ipinagdiriwang nila ni Marian ang kanilang first wedding anniversary. "The night before, nagpagawa si Marian ng damit na terno sila. December 30 'yan, nag-decide kami na kaming tatlo lang ang lalabas. Series of shots 'yan pero 'yan yung parang pinaka-natyempo na maganda," saad ni Dingdong.
Baby Zia wave
Kumalat ang larawang ito ni Baby Zia at nauso ang Z wave ngunit mayroon pa lang mas malalim na istorya ang kamay na ito. Ani Dingdong, "'Yan ang kauna-unahang picture kasi ang daming [gestures] na ginagawa 'yung kamay. 'Yan, nagkataon na 23 siya pinanganak, mukhang? "2"? at saka? "3."? So in a way, 'yan 'yung paraan ko para ibalita na lumabas na siya."
First family photo
Ito raw ang kanilang kauna-unahang family photo. "'Yan 'yung Christmas greeting namin bilang buo kami noon," pahayag ni Dingdong.
First parent date
Ito naman daw ang unang date nila matapos maipanganak si Baby Zia. "'Yan 'yung unang attempt namin. Buti 'yung aking mother-in-law ay naroon para alagaan siya. Naroon kami pero 'yung utak namin wala, [iniisip namin si Baby Zia]," bahagi ni Dingdong.
Engagement ring
Ayon kay Dingdong, matagal na raw nakahanda ang engagement ring para kay Marian. "Nakuha ko na 'yung singsing two years ??before I actually ask?ed?? ?
her. Nasa 'kin na 'yon, naghahanap lang ako ng timing talaga," sambit niya.