IN PHOTOS: Hindi bida pero sikat
Kilalanin ang mga artistang hindi man bida ay maituturing na sikat dahil sa kani-kanilang angking talento.
Kyline Alcantara
Kontrabida man si Kyline sa 'Kambal, Karibal,' isa pa rin siya sa pinakanapansin sa cast dahil sa galing ng kanyang portrayal kay Chesca, at pati na rin kina Crisan at Crisel habang nasa katawan ni Chesca.
JoWaPao
Hindi man bida ng Kalye-serye sina Jose, Wally at Paolo, tuwang-tuwa pa din ang madla kina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora.
Aicelle Santos
Aliw na aliw ang mga Dabarkads kay Aicelle Santos sa tuwing sinusuong niya ang traffic at nakikipag biritan sa mga motorista sa Traffic Diva segment ng 'Eat Bulaga.'
Angel Satsumi
Sinong hindi makakatiis na pisilin ang matatabang pisngi ng Pepito Manaloto cutie pie na si Angel Satsumi?
Kenneth Medrano
Marami ang nagkaka-crush kay 'That's my Bae' Champion Kenneth Medrano dahil sa kaniyang baby face at bad boy tattoos.
Jaclyn Jose
We all love to hate Jaclyn Jose whenever she plays the vilest of kontrabidas sa mga drama shows ng GMA.
Jerald Napoles
Kahit 'di kagwapuhan si Jerald Napoles, nagkakaroon naman siya ng mga fans dahil sa husay niya sa pag-arte at pagpapatawa.
Solenn Heussaff
Hindi man bida si Solenn Heussaff, sikat na sikat pa din siya! Sa Instagram pa lang ay mayroon na siyang 3.6M followers na in love sa kaniyang ganda at talento.
Boobay
Maraming 'din fans si Boobay dahil sa kaniyang angking galing sa pagpapatawa at mala-Diyosang kagandahan. Walang aangal!
Kim Domingo
Kahit wala pang show na pinagbibidahan ang French-Filipina actress na si Kim Domingo, madami naman ang nabibighani sa kaniyang... kagandahan.