WATCH: Alice Dixson, sinagot ang tanong sa Q&A ni Maxine Medina
"Sana sinabi na lang niya that social media is key to change also, and it actually does unite people. It’s just a different form of receiving information, and it creates more bond and unity with everybody. Something like that..." - Alice Dixson, Bb. Pilipinas International 1986 / actress
Ang dating titleholder na si Alice Dixson ay minsan ring sumabak sa isang international pageant noong 1986 ngunit kahapon (January 30) ay naging taga-suporta siya ni Miss Universe Philippines Maxine Medina sa Mall of Asia Arena kung saan ginanap ang 65th Miss Universe competition.
“The best part was when they announced the six girls [kung saan] pasok ang Philippines. Everybody was so happy,” ang naging pahayag ng aktres sa interview ng Unang Hirit patungkol sa kanyang karanasan sa live historical event.
LOOK: Miss Universe coverage ng GMA Networks, panalo sa ratings!
Naniwala ang ageless beauty na muntik nang masungkit ng ating pambato ang back-to-back win, “Nanghihinayang ako kay Miss Philippines kasi nandun na siya eh, kumbaga, she has the beauty, she has the grace [pero] lacking lang dun siya sa pagsagot ng question sa kanya. I thought she really had a chance.”
Ayon sa beauty queen-turned-actress, “hindi swak” ang sagot ng ating candidate sa kanyang question and answer kaya hindi siya nakapasok sa top 3 ng kompetisyon.
Sa tingin ng aktres, ang paggamit ng social media sana ang sinagot ni Maxine sa Q&A nang dahil sa ganitong pamamaraan rin nagkakaisa ang buong mundo.
“Sana sinabi na lang niya that social media is key to change also, and it actually does unite people. It’s just a different form of receiving information, and it creates more bond and unity with everybody. Something like that [pero] it wasn’t as cohesive as gusto niyang sabihin, but I think ‘yun ang nasa isip niya na gusto niyang sabihin,” pagtatapos ng 47-year-old former beauty queen.
Gayunpaman, pinuri pa rin ng mga taga-suporta ni Maxine ang kanyang Top 6 finish sa prestihiyosong beauty pageant at ito naman ay pinasalamatan ng dalaga.
MORE ON MAXINE MEDINA:
MUST-READ: Maxine Medina thanks Filipinos for supporting her in Miss Universe
WATCH: Maxine Medina, nanguna sa Twitter trend noong Miss Universe preliminary competition
LOOK: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach comforts Miss Philippines Maxine Medina