'Legally Blind' star Janine Gutierrez, may planong sumali sa beauty pageants?
Marami ang nagsasabing pang-beauty queen ang ganda ni Kapuso actress Janine Gutierrez noon pa man. Dahil dito, marami rin ang naghihintay na sumali ang aktres sa beauty contests.
Ayon kay Janine, thankful daw siya sa mga taong nagsasabi na qualified siya sa beauty pageants ngunit hindi raw ito ang career na gusto niyang tahakin.
"Nafa-flatter ako siyempre pero hindi ko kasi talaga pangarap eh. Wala talaga sa plano kong sumali sa pageant," paliwanag ni Janine.
Pero kahit na sa ngayon ay hindi interesado si Janine, aminado siyang fan siya ng beauty contests. "Excited ako manood ng Miss Universe kasi dito siya [gagawin] sa Philippines and sana manalo tayo this year," saad niya.
Nang tanungin tungkol kay Philippines Miss Universe 2016 bet Maxine Medina, hindi raw niya personally kilala ang pambato ng bansa. "Never ko pa siya na-meet pero I wish her the best. Sana maiuwi niya 'yung korona," pagtatapos ng upcoming Legally Blind star.
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
LOOK: Janine Gutierrez-starrer 'Legally Blind' starts taping
Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date