Filtered By: TV | News
TV

'Pinulot Ka Lang sa Lupa' stars hiningan ng opinyon hinggil sa pag-alis sa show ng co-star na si Ara Mina

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: February 20, 2020, 06:32 AM
Positibo sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose naa maayos ang gusot sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' co-star na si Ara Mina.

Halos kumpleto ang cast ng Pinulot Ka Lang sa Lupa press conference maliban sa supporting actress na si Ara Mina na no show kagabi (January 16).

IN PHOTOS: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ premieres this January 30 on GMA Afternoon Prime 

Isa pa naman siya sa mga inabangan sa event para makunan ng statement patungkol sa kanyang resignation sa show. Sa kanyang pagkawala, ang mga GMA executives na sumagot sa mga katanungan ng media.

READ: GMA execs, nagsalita patungkol sa resignation ni Ara Mina sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ 

 

I think I died in an accident cause this must be heaven.

A photo posted by Benjamin Alves (@benxalves) on


Inusisa rin ang lead stars ng serye na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

“We actually have no idea po sa issue and siguro let’s not talk about it na lang din,” tugon ng leading lady na si Julie Anne.

Sumang-ayon naman si Benjamin sa statement ng GMA executive, “Ang sinabi nga po ni Ms. Redgie na nag-uusap naman sila, ‘yun ang importante na nasimulan na ‘yung pag-uusap at siguradong-sigurado po ako, magagawan po siya ng paraan. Lagi naman pong ganun eh, naayos naman po lahat.”

IN PHOTOS: Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, nagpakilig sa ‘Sarap Diva’ 

Samantala, all is well naman ang samahan ng cast sa set at hopeful ang lead stars sa magiging working relationship nila sa beteranang aktres.

“Si Miss Ara, wala pa po akong mga eksena with her, but baka po siguro sa mga susunod na scripts,” saad ni Asia’s Pop Sweetheart.

Ayon naman sa Kapuso hunk, “Nakakasama po namin siya at masaya naman po. We’re looking forward to seeing her on set.”

Mapapanood na ang TV adaptation ng Kapuso network ng Pinulot Ka Lang sa Lupa sa GMA Afternoon Prime sa darating na January 30.

LOOK: Cast ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ ipinakilala na! 

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.