Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: "Abs ng Bayan" Jak Roberto nagpipinta ng lapida sa sementeryo noon para kumita

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: October 15, 2020, 12:13 AM

Sa one-on-one interview ng Kapuso anchor na si Rhea Santos, nagkuwento ang Meant To Be star sa hirap ng buhay niya noong pumanaw ang kanyang ama.

Naka one-on-one ng Kapuso anchor na si Rhea Santos ang tinaguriang "Abs ng Bayan" na si Jak Roberto sa Tunay Na Buhay kagabi, January 11.

PHOTO BY  Michael Paunlagui, GMANetwork.com

Dito nagkuwento ang Meant To Be lead star kung gaano kahirap ang naging buhay nila matapos yumao ang kaniyang ama noong limang taong gulang pa lamang siya, dahil sa heart attack.

Ayon kay Jak naging madiskarte siya para makatulong at makadagdag sa sa panggastos ng kanilang pamilya sa araw-araw.

Saad ng Kapuso hunk, “Nung grade school nga kapag Undas pumupunta kami sa sementeryo, nagpi-paint kami ng lapida, binabayaran kami dun. Parang 25 pesos each… Siguro sa isang araw 200-300 din, tapos hindi na ako humihingi ng baon kay Mommy.”

Bilib na bilib ang nanay ni Jak na si Mrs. Marlyn Roberto sa angking kasipagan ng kaniyang guwapong anak.

Ani Marlyn, “Napakasipag kahit maliit pa siya. Minsan hinahanap ko, ‘yun pala naghahanap-buhay na siya. Pero nung nalaman ko nung gabi na lang po na dumating siya sa bahay.”

Tinanong din ni Rhea si Jak kung ano ang nararamdaman niya nang binansagan siya ng mga tao na "Abs Ng Bayan."

Sagot nito, “Masaya po ako na na-appreciate po ng tao ‘yung abs. ‘Yung workout din po mahirap, so parang isa sa mga nakakatanggal ng pagod kapag sinsabi nilang na-nappreciate nila ‘yung body mo, ‘yung abs.”

MORE ON JAK ROBERTO:

20 Cosmo bachelors of your dreams

IN PHOTOS: 18 showbiz hunks with the yummiest biceps

Jak Roberto celebrates 100K followers on Instagram with a sexy selfie

 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.