READ: Heart Evangelista at Carla Abellana, umalma sa pagpatay ng aso sa pelikulang 'Oro'
Kapwa animal rights advocate sina Carla at Heart at maigting nilang ikinondena ang pagpatay sa isang aso sa pelikulang 'Oro.'
Nagulat ang online community nang ibahagi ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang litrato ng 'di umano'y aso na aktuwal na pinatay sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Oro.
Ilan sa celebrities na nag-react sa isyung ito ay sina Kapuso actresses Heart Evangelista at Carla Abellana.
Sa kanyang official Instagram account, isang mensahe ang nais ipaabot ni Heart na kilala bilang isang pet lover.
Saad niya sa caption, "Nakakahiya at nakakagalit. A life is a life and should never be trivialized for the sake of art or what have you. Such a shame!"
Samantala, umalma rin si Carla at nag-post ng larawan ng 'di umano'y aktuwal na script na ginamit sa nasabing pelikula. Aniya, "To those responsible for the killing and butchering of an aspin in the movie Oro, SHAME ON YOU."
A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
Nasungkit ng Oro ang tatlong titulo sa ginanap na MMFF 2016 awards night tulad ng Best Actress para kay Irma Adlawan, Best Ensemble Cast at Fernando Poe Jr. Memorial Award.
READ: Full list of winners at the 42nd Metro Manila FIlm Festival
ANOTHER STORY ON ORO'S DOG SLAUGHTER: