READ: Ano-ano ang mga pelikulang top grossers sa unang araw ng Metro Manila Film Festival?
Inanunsyo ng MMFF Execom na ang topgrossers na mga pelikula sa unang araw ng pagpapalabas ay ang Ang Babae sa Septic Tank 2, Die Beautiful, Seklusyon, at Vince and Kath and James.
Masayang ibinahagi ng komite sa likod ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na naging matagumpay ang unang araw ng pagpapalabas nila ng mga pelikula noong Araw ng Pasko.
Ayon sa kanilang pahayag sa kanilang Facebook page, “The MMFF Execom is happy to have reached our first day target ticket sales. We have reassessed and set a new benchmark for this festival, we nevertheless look at the financial sales for the first day as a real bonus as we have already achieved what we started out to in the first place whi is the cultural advancement through our Filipino films. You cannot put a price at something which the future generations of Filipinos will find priceless and ageless.”
Inanunsyo nito na ang topgrossers na mga pelikula sa unang araw ng pagpapalabas ay ang Ang Babae sa Septic Tank 2, Die Beautiful, Seklusyon, at Vince and Kath and James.
Ipapagpatuloy pa rin ng MMFF committee ang pagpo-promote sa lahat ng pelikula.
Pangako nila, “Rest assured that the MMFF Execom will always serve to our best effort all our stakeholders and serve the greater purpose of not only commerce but also of audience education and development.”
MORE ON THE METRO MANILA FILM FESTIVAL:
READ: President Duterte, may panawagan para sa MMFF