WATCH: Eugene Domingo, nagkuwento tungkol sa kanyang Italian boyfriend
Alamin kung sino si Danilo sa buhay ni Uge.
Doble ang inspirasyon ni Eugene Domingo ngayong Pasko. Maliban kasi sa kanyang pelikula na pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF), blooming din ang love life ng Dear Uge host.
Excited na raw si Eugene para sa Ang Babae sa Septic Tank 2.
Sambit niya sa panayam ng 24 Oras, “Nakapakaganda. Binasa ko pa lang, natawa na ako. Ang gusto kong ihatid sa mga manonood, ‘yung matutuwa sila at saka kikiligin sila.”
Tiyak na dadalo raw siya sa MMFF Parade of the Stars lalo na at mangunguna rito ang float ng kanyang pelikula. Ngunit matapos ito, aalis siya para sa kanyang bakasyon sa Europe kung saan siya magpapasko kasama ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo.
Isang film critic daw ang kanyang nobyo at napanood daw ni Danilo ang mga pelikula ni Eugene. Nagkakilala sila ng dumalo si Uge sa isang international film festival kung saan kasama ang pelikula niyang Barber’s Tales.
Pag-alala niya, “He approached me and he said friends kami sa Facebook. Eh wala naman akong Facebook. Hindi ko na siya nakalimutan.”
Wala pa raw silang planong magpakasal dahil magiging abala rin kasi si Eugene sa 2017 dahil madadagdagan ang kanyang programa sa GMA.
Aniya, “We’re good. We’re very happy. We’re very blessed. He’s a gift. We don’t plan anything, we’re just enjoying ourselves. We’re just enjoying our time.”
“But we are hoping next year he comes and sees the beauty of the Philippines,” dugtong niya.
Video courtesy of GMA News
MORE ON EUGENE DOMINGO:
WATCH: Ang Babae sa Septic Tank 2 Official Trailer
READ: Eugene Domingo, touched to receive a letter from a young fan
IN PHOTOS: Eugene Domingo at ibang celebs na may dugong UP