WATCH: Rhian Ramos, gusto bang manalo bilang Best Actress?
"Hindi ako nag-e-expect ng acting award para dito. Gusto ko lang maraming makapanood." - Rhian Ramos
Dahil sa kakaibang animated treatment at aral na hatid sa mga manonood, mataas ang grade na nakuha ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Saving Sally. Gusto rin kaya ni Rhian Ramos na makamit ang prestihiyosong Best Actress award sa pagganap sa pelikulang ito?
Masayang ibinalita ni Rhian sa panayam ng 24 Oras ang nakuhang review mula sa Cinema Evaluation Board.
Aniya, “Kakatanggap lang namin ng rating namin from the CEB, the Cinema Evaluatin Board, at binigyan nila kami ng A.”
Ipinagmamalaki rin ng aktres ang iba pang de-kalidad na indie films na bahagi ngayon ng MMFF.
Sambit niya, “Hindi ko rin kasi alam kung ano ‘yung vibe pag narinig mo ‘yung word na indie eh. Kasi feeling ng marami, ibig sabihin ano siya, parang drama o kaya mabigat. May mga ganung indie, hindi ibig sabihin mabigat.”
Unang pagkakataon daw ni Rhian na bumida sa isang MMFF entry. Ngayong Pasko, tiyak na kasama sa mga pagkakaabalahan niya ang pagpromote ng Saving Sally. Christmas wish din kaya niya ang masungkit ang Best Actress award?
“Ako personally, hindi ako nag-e-expect ng acting award para dito. Gusto ko lang maraming makapanood,” wika niya.
MORE ON RHIAN RAMOS:
READ: Rhian Ramos talks about the difference of Saving Sally from her other projects
READ: Rhian Ramos, inaming naging makatotohanan ang kanyang pagganap sa pelikulang Saving Sally