MUST-SEE: Unang picture ni Boobay matapos makalabas ng ospital
Halos dalawang linggo ring namalagi sa ospital si Boobay. Ngayon ay nasa bahay na siya at patuloy na nagpapagaling.
Nakauwi na at nagpapagaling si Kapuso comedian Boobay, o Norman Balbuena, matapos makaranas ng stroke.
Isa sa mga una niyang bisita sa bahay ay ang kanyang kaibigan at kapwa Kapuso na si Sheena Halili.
Thanks @mysheenahalili for visiting mah baby @boobay7 ??????????
A photo posted by Kent Juan Resquir (@kentjuanresquir) on
Makikita sa larawan na bahagyang malamlam ang mata ni Boobay pero nakangiti naman ito.
Halos dalawang linggo ring namalagi sa ospital si Boobay. Nasa pangangalaga siya ngayon ng kanyang longtime partner na si Kent Juan Resquir.
Ayon kay Kent, patuloy ang gamot at physical therapy ng komedyante.
MORE ON BOOBAY:
UPDATE: Boobay, nakalabas na ng ospital
Allan K, binista si Boobay sa ospital