WATCH: Full trailer of 'Enteng Kabisote 10 and the Abangers'
Silipin ang trailer ng isa sa mga pinakaaabangang pelikula ng taon.
Nalalapit nang maipalabas sa mga sinehan ang box office hit na Enteng Kabisote 10 and the Abangers. Inanunsyo ito ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account noong nakaraang linggo.
Naglabas na rin ang OctoArts Films International ng full trailer ng pelikula.
Pinagbibidahan ni Vic Sotto ang movie series na ito. Ilan sa mga kasama niya sa pang-sampung bahagi ng movie-serye sina Epi Quizon, Oyo Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Alonzo Muhlach, Bea Binene, Ken Chan, Ryza Cenon, Kakai Bautista, Jerald Napoles, Jelson Bay at Sinon Loresca, Jr.
May special appearances rin ang mga Dabarkads na sina Joey de Leon, Alden Richards, Maine Mendoza at Pauleen Luna.
Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Marlon N. Rivera at Tony Y. Reyes.
MORE ON 'ENTENG KABISOTE':
LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016
Vic Sotto drops hints about 'Enteng Kabisote 10'
Vic Sotto, mala-millennial sa pagbabalik bilang Enteng Kabisote