Rich Asuncion, magbubukas ng spa kasama ang boyfriend na si Benj Mudie
Magbubukas ng isang nail spa sina Rich at Benj sa BGC.
Isang bagong business venture ang pinasok ni Kapuso actress Rich Asuncion.
Nakatakdang magbukas ng isang spa si Rich at kasosyo niya rito ang kanyang boyfriend na si Benj Mudie.
A photo posted by richellasuncion (@richellasuncion) on
"I am very pleased to announce that in partnership with my loving jowa @benjmudie and his family, we are opening a branch of @nailcocktales in BGC soon! We would like to thank our parents Gina, Stephen, Richard and Melinda for the love and support. And we look forward to servicing your beauty and relaxation needs for both men and women!" sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post.
Bukod sa pagbubukas ng kanilang spa, magiging busy na rin si Rich sa kanyang upcoming GMA Afternoon Prime series na Ika-6 na Utos. Makakasama niya rito sina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon.
Abangan ang Ika-6 na Utos sa GMA!
MORE ON CELEBRITY ENTREPRENEURS: