LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016
Mixed emotions ang nararamdaman ng film enthusiasts matapos ianunsyo kahapon, November 18, ang mga opisyal na kahalok sa taunang Metro Manila Film Festival.
Mixed emotions ang nararamdaman ng film enthusiasts matapos ianunsyo kahapon, November 18, ang mga opisyal na kahalok sa taunang Metro Manila Film Festival.
Ang ilan ay masaya dahil mayroong mga pumasok na independent films tulad ng Paolo Ballesteros starrer na Die Beautiful, Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ni Eugene Domingo at ang Saving Sally na pagbibidahan nina Rhian Ramos at TJ Trinidad.
READ: 'Die Beautiful' ni Paolo Ballesteros at 7 pang pelikula, opisyal na kalahok sa MMFF 2016
Pero ang ilan ay nakaramdam ng lungkot dahil mayroong apat na hindi nakasama sa MMFF 2016. Narito ang listahan.
1. Enteng Kabisote 10 and the Abangers
Taon-taong na mayroong entry ang sikat na box office hit film ni Bossing Vic Sotto ngunit hindi maipapalabas ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ngayong Pasko, December 25.
SNEAK PEEK: 'Enteng kabisote 10 and the Abangers'
2. Super Parental Guardians
Inaasahan ding magiging kalahok sana ang Super Parental Guardians na pagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Marton, ngunit nabigo ito.
3. Mang Kepweng Returns
Pati ang Mang Kepweng Returns, hindi rin pasok sa official entries. Bibida sana rito ang actor-host na si Vhong Navarro.
4. Mano Po 7
Hindi rin nakapasok ang sequel na Mano Po 7 ng Regal Entertainment na pagbibidahan sana nina Richard Yap at Jean Garcia.
MORE ON MMFF 2016:
Paolo Ballesteros movie starrer 'Die Beautiful,' pasok sa 2016 Metro Manila Film Festival