WATCH: Ano ang pinaka-memorable character ng 'Bubble Gang' cast?
Naghahanda na para sa kanilang 21st anniversary special na 21 Gang Salute ang cast ng longest-running comedy gag show na Bubble Gang sa November 25 at December 2.
A photo posted by Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on
Sa loob ng 21 na taon, tumatak ang ilang karakter na naglagay ng mga ngiti sa ating mga mukha, nagpatawa at nagbigay aral sa ating mga manonood.
Hinding-hindi makakalimutan ng premyadong komedyante na si Michael V ang kanyang role bilang ang talk show host na si Junee Lee, “’Yun ‘yung parang other side ko eh, ‘yun ang side ni Michael V na hindi n'yo nakikita.”
Ang malditang, mapagmataas na kilay na may kasamang masamang tawa ang pinakapaboritong karakter ni Kapuso star Betong Sumaya. Aniya, “Siyempre, talagang [si] Antonietta. Sobrang ibang-ibang journey ‘yun eh.”
LOOK: Glaiza de Castro meets Antonietta
May sariling bersyon rin ang Bubble Gang ng kalye-serye ng Eat Bulaga kung saan binansagang “AlBad” ang love team nina Juancho Trivino at Denise Barbacena. Si Yaya Bad ang phenomenal star ng show, “Spoof namin ‘yung AlDub [at] ‘yun ang isa sa na-feel ko na parang may responsibility ako na kailangan i-pull off dito.”
Abangan ang nalalapit na anniversary special, mga Kapuso!
READ: ‘Bubble Gang’ celebrates 20th anniversary with a documentary special