Kobe Paras, naghahanda na para sa NCAA sa USA; gustong pa rin maglaro sa Gilas
"Promise ko na magiging masaya po kayo sa mga games namin." - Kobe Paras
Pinaghahandaan na ni Kobe Paras ang nalalapit naNCAA Basketball Season sa Amerika, kung saan maglalaro siya para sa Bluejays ng Creighton University sa Nebraska. Kasama ang naturang unibersidad sa Division 1 ng NCAA, ang pinakamataas na division kung saan kasama ang pangunahing collegiate teams.
WATCH: Kobe Paras joins Creighton University for collegiate basketball
Ayon sa ulat ng News To Go, tama daw ang naging desisyon ng anak ni Benjie Paras na mag-pull out sa UCLA at lumipat sa Creighton na nasa bahagi ng Amerika na kakaunti lamang ang Pilipino.
"We're a fast-paced team, and all we do is conditioning. I fit in there because I do hustle plays and I bring energy. Every time we are running, I'm the type of person who is going to uplift everyone. It was really difficult for me at first because they had different plays that I did not know of," pahayag ni Kobe.
Dagdag pa niya, pangarap pa rin niyang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas. "I want to be part of the Gilas team. It has been a dream of mine to represent my country."
May mensahe rin siya para sa mga Pilipinong patuloy na sinusuportahan ang kanyang basketball career.
"Mga kababayan, salamat po sa lahat ng mga binibigay n'yo sa akin. Promise na promise ko na magiging masaya po kayo sa mga games namin."
Video from GMA News
MORE ON KOBE PARAS:
Andre Paras on brother: "Ang saya ko every time napapaiyak ko si Kobe"
#ThrowbackThursday: Benjie, Andre, and Kobe Paras's photos during their younger years