Andre Paras, humanga kay Mikee Quintos?
Abangan si Mikee Quintos at Andre Paras as Ella, Cindy, and Eugene sa URL presents Perfect Fit ngayong October 23 na.
Tila humahanga si Andre Paras sa kanyang bagong ka-love team sa 'URL presents Perfect Fit' na si Mikee Quintos dahil sa dual role nito as the simple Ella and the more sophisticated Cindy.
Paliwang ng aktres sa kanyang role, “Si Ella 'yung mas simple kaysa kay Cindy. Si Cindy 'yung anak mayaman, sosyal private school, ang daming phones. Ganyan. Si Ella naman, siya 'yung simple na tindera sa cellphone repair shop. Doon sila actually nag-connect ni Cindy sa cellphone repair shop.”
Ika ng aktor, “Imagine that [playing two roles.] [I thought na,] ‘Paano ito? How is she doing that?’ So, ang kulit lang.”
Aniya napa-“wow” na nga lang daw siya.
https://www.instagram.com/p/BLru6kxhrB2/?taken-by=mikeequintos&hl=en
Ano naman ang tingin ni Mikee sa role na binigay sa kanya?
Nakuwento niya, “Na-e-excite akong makita 'yung reaksyon nung people kasi may scenes nakausap ko 'yung sarili ko. It’s a challenge na, when you’re talking to yourself din, tapos magkaibang take 'yun, 'di ba? Medyo crazy. ”
Tanong naman bigla ng press kay Andre, “Humanga ka, Andre?”
Inamin naman ng aktor na ang una niyang naisip ay: “I was like, ‘oh, ang hirap nito, ah.’”
Abangan si Mikee Quintos at Andre Paras as Ella, Cindy, and Eugene sa URL presents Perfect Fit ngayong October 23 na.
MORE ON 'URL PRESENTS PERFECT FIT':
IN PHOTOS: Mikee Quintos and Andre Paras team-up in Usapang Real Love's "Perfect Fit"
Mikee Quintos and Andre Paras talks about working together for URL presents Perfect Fit