READ: 'TROPS' star Taki gets advice from Maine Mendoza on how to deal with bashers
"Ate Maine is very friendly, very ate. She would always be there to comfort me and everything.” - Taki
May bagong aabangan ang mga dabarkads simula October 24, dahil mapapanood na ang pinakabagong morning series para sa millenials na TROPS.
Dito bibida ang mga naguguwapuhang mga Baes ng Eat Bulaga na binubuo nina Kenneth Medrano, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino at Joel Palencia.
Makakasama din nila ang certified sweetheart ng Calle Siete na si Taki.
Sa panayam ng entertainment press sa baguhang actress na si Taki sa grand presscon ng TROPS kagabi, October 18 napag-usapan ang kaakibat ng unti-unti niyang pagsikat. Inamin ng dalaga na mayrun na rin siyang mga bashers.
Kuwento pa niya ay minsan daw ay ginagawaan pa sila ng isyu ng ate niya na si Maine Mendoza na ginagaya daw niya ang fashion style nito.
A photo posted by Takako Saito AKA Taki ???? (@real_takako) on
A photo posted by Takako Saito AKA Taki ???? (@real_takako) on
Saad ni Taki, “Actually, to be honest, maraming taong nagsasabi din kasi, parang Ate Maine is one of my idols sa pagdadamit... I love her style kaya minsan halos magkaparehas kami. Pero I am not making gaya.”
Tinanong din ng miyembro ng press si Taki kung ano-ano ang pinakamasakit na nabasa niyang comments mula sa kaniyang mga bashers.
“Ano po parang, pabebe daw po ako, at magalaw-galaw po ako sa mga boys. Pero hindi po talaga, kasi ‘yung tingin ko po sa kanila lahat parang mga tropa ko, mga kuya-kuya. Na-offend po ako kasi we're just very close friends bawal bang mag-ganun. I’ve been making ingat.”
Aminado si Taki na minsan ay naapektuhan siya sa mga nababasa niyang negative comments, pero naiisip niya na parte lamang ito ng kaniyang trabaho.
Aniya, “Minsan I would just laugh at it, kasi parang, it’s clothes parang kahit sino naman puwede naman magsuot siguro po ng damit, so we just laugh at it. Pero, like minsan nasasaktan ako, umiiyak pa nga ako kay mama minsan. But, siguro that’s part of my job,”
Malaki din daw ang pagpapasalamat niya na nandiyan daw si Maine Mendoza na nagbibigay ng payo sa kaniya kung papaano haharapin ang mga bashers.
“Super ate ko siya. Sabi niya, "okay na 'yan, Taki basta huwag mo na lang sila pansinin, basta masaya ka lang." Ate Maine is very friendly, very ate. She would always be there to comfort me and everything.”
MORE ON 'TROPS':
#WhosTHATgirl: 10 facts about 'Eat Bulaga' and 'Calle Siete's' Takako Saito
Baes & Taki get biggest acting break in 'TROPS' starting October 24
That's My Bae ng 'Eat Bulaga' binigyan ng big break na bumida sa sarili nilang show, ang 'Trops'