WATCH: Dick Israel, pumanaw na sa edad na 68
Pumanaw na ang beteranong aktor na si Dick Israel sa edad na 68 kagabi, October 11.
Pumanaw na ang beteranong aktor na si Dick Israel sa edad na 68 kagabi, October 11.
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Unang Hirit, kinumpirma ng hipag ni Dick na si Lailani Sarabia ang masamang balitang ito. Naabutan na lamang daw ng anak ang aktor na wala ng buhay sa loob ng kanyang kuwarto sa tinitirahang bahay sa Makati City.
Pansamantalang nakatira ang pamilya ni Dick sa Makati dahil nasunog ang kanilang bahay sa Caloocan City nitong Hulyo lamang.
Nagpaabot naman ng mensahe ang malapit na kaibigan ni Dick sa industriya na si Vivian Velez sa kanyang Facebook post.
Matatandaang taong 2010 nang ma-stroke at ma-paralyze ang katawan ni Dick na sumikat noon bilang kontrabida at sidekick sa mga pelikula at telebisyon.
Ibuburol ang labi ni Dick sa isang kapilya sa Araneta Avenue, Quezon City simula mamayang gabi para sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Hindi pa bukas sa publiko ang viewing habang hinihintay pa ang kanyang anak na manggagaling pa sa ibang bansa.
Video courtesy of GMA News
MORE ON DICK ISRAEL: