WATCH: Mark Anthony Fernandez, dati nang nagsabing tatalikuran na ang droga
Ngayong mainit ang usapin tungkol sa pagkakakulong ni Mark Anthony Fernandez dahil sa kanyang pagkasangkot sa ipinagbabawal na gamot, nagbalik-tanaw ang 24 Oras sa buhay ng aktor.
Ngayong mainit ang usapin tungkol sa pagkakakulong ni Mark Anthony Fernandez dahil sa kanyang pagkasangkot sa ipinagbabawal na gamot, nagbalik-tanaw ang 24 Oras sa buhay ng aktor.
Mapapanood sa ulat ni Lhar Santiago kung paano nagsimula si Mark Anthony bilang miyembro ng ‘Gwapings.’ Ngunit sa kasagsagan ng kanyang kasikatan ay ilang beses din siyang nasangkot sa droga at naglabas-masok sa rehabilitation center.
Mismong ang kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez ang nagpa-rehab kay Mark Anthony noong 2004. Nakabuti naman daw ito sa aktor ayon sa kanyang inang si Alma Moreno.
“Basta ako, deep in my heart, ayaw ko nang tumira ulit pero I don’t want to make promises. Pero deep in my heart, I repeat again na ayaw ko na ulit tumira [ng droga],” dati nang pahayag ni Mark Anthony.
Pagkalabas niya ang rehab ay nagsumikap siyang magbagong-buhay, at siya’y nagpakasal at nagkapamilya. Bumalik si Mark Anthony sa showbiz at lumabas sa ilang Kapuso shows tulad ng Kamandag, Darna, My Name is Kim Sam Soon, Ang Munting Heredera, Rhodora X, at Let the Love Begin.
Noon ay kinumpirma rin ng aktor na panandalian siyang nanirahan sa musoleyo ng kanyang ama sa Heritage Park sa Taguig. Nagkahiwalay na kasi sila ng kanyang asawang si Melissa Garcia at naiwan nalang mag-isa sa kanilang bahay. Kaya naman, bumili siya ng condo unit sa Clark, Pampanga at habang hinihintay itong matapos ay sa musoleyo siya nanirahan.
Kuwento ni Mark Anthony noon, “Tinanong nga ako ng isang guy doon eh. Sabi, ‘Hindi ka ba natatakot sa lugar na ito dahil ano ‘to, sementeryo?’ Sabi ko, ‘Hindi. Bakit naman ako matatakot, mga kaibigan ko ‘tong mga ‘to, ‘yung Tita ko at saka erpat ko. Close na close ako diyan kaya hindi ako matatakot.”
“Short period lang naman. Siguro mga three nights lang ako nandoon tapos nakalipat na rin ako. Comfortable din ako dahil malaki ‘yung musoleyo niya, tapos may kwarto. At saka syempre, kahit papaano nagtitipid pa rin,” dugtong niya.
Ilang buwan pagkatapos nito, inamin naman ng aktor na nagsasama na sila ng kanyang girlfriend na si Diana na kanyang itinuturing na soulmate.
MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:
WATCH: Mark Anthony Fernandez, mabubulok na raw sa kulungan?
WATCH: Mark Anthony Fernandez naluha nang dinalaw ng live-in partner sa kulungan
WATCH: Mark Anthony Fernandez, nakakulong matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana