WATCH: Mark Anthony Fernandez, mabubulok na raw sa kulungan?
“He should face his case. It’s non-bailable so definitely he will rot in jail for the rest of his life.” -C/Supt. Aaron Aquino, Director ng PNP Region 3
Sa binitiwang pahayag ng hepe ng pulis sa region 3, mabubulok na raw sa kulungan si Mark Anthony Fernandez. Ito ay kasunod ng pagharap ng aktor sa reklamo matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana.
Ayon sa ulat ni Susan Enriuqez sa 24 Oras, pasado 3 P.M. kahapon, October 4, nang dalhin sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga si Mark Anthony para sa isang press conference. Mapapansin ang pagkabalisa nito habang nakaposas.
Wika ni C/Supt. Aaron Aquino, Director ng PNP Region 3, “He should face his case. It’s non-bailable so definitely he will rot in jail for the rest of his life.”
Ayon din sa PNP Region 3, may mga report na silang nagsasabing madalas sa Pampanga ang aktor. Gayunpaman, wala si Mark Anthony sa kanilang drugs watchlist dahil hindi naman siya residente doon.
Ani C/Supt. Aquino, “We have information that he frequents the area, eto dito sa Angeles.”
“I asked the regional director of NCRPO if he has Mr. Fernandez included in their watchlist. He told me that he will check if Mr. Fernandez is in their watchlist sa NCRPO. So sa amin wala ,” patuloy niya.
Balak din nilang alamin at tuntunin kung sino-sino ang supplier ni Mark Anthony ng marijuana.
“We will conduct police interventions, interjections on this particular pusher,” wika ni C/Supt. Aquino.
Walang kasamang abogado si Mark Anthony nang humarap sa press conference. Bukod sa kanyang paggiit na hindi sa kanya ang natagpuang isang kilo ng marijuana, ipinaliwanag niya na gumamit siya nito dahil sa payo ng kanyang doctor.
Sambit ng aktor, “Noong 19-something po, sinabihan ang mama ko at saka ako po ng doctor ko po na pwede po kami mag-use ng marijuana.‘Yung sigarilyo po ‘di ba mas mataas po ‘yung nicotine. ‘Yung marijuana nga po, sa pagkakaalam ko po, hindi po nakaka-adik talaga po ‘yun eh. So gusto ko lang po i-explain ‘yung side ko po.
Tugon naman ni C/Supt. Aquino, “Pati ‘yung doctor mo ma-file-an ng kaso because of illegal prescription, because use of marijuana is illegal, ‘coz there’s no scientific study that will tell that marijuana can cure cancers or prevent cancers.”
Kagabi ay sumailalim na sa confirmatory test ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame ang resulta ng urine sample sa nauna nang ginawang drug test kay Mark Anthony.
MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:
WATCH: Mark Anthony Fernandez naluha nang dinalaw ng live-in partner sa kulungan
MUST-READ: Renz Fernandez's message for brother Mark Anthony Fernandez