WATCH: Mark Anthony Fernandez naluha nang dinalaw ng live-in partner sa kulungan
Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa 24 Oras, nagbilin ang aktor sa kaniyang live-in partner na alagaan ang kanilang kapapanganak na sanggol.
Bumuhos ang emosyon ng former ‘Gwapings’ star Mark Anthony Fernandez nang makaharap niya ang kaniyang live-in partner sa pagdalaw ng huli sa kanyang selda.
Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa 24 Oras, nagbilin ang aktor sa kaniyang live-in partner na alagaan ang kanilang kapapanganak na sanggol.
Mabigat ang kaso na isinampa ng Philippine National Police laban kay Mark Anthony, dahil kapag napatunayan na lumabag siya sa batas ay maaring pang habang buhay na pagkakulong ang kaniyang maging parusa.
Touching moment between Mark Anthony Fernandez and his reported partner after the actor was arrested in Pampanga. pic.twitter.com/mAZlVdsJom
— Jun Veneracion (@jun_veneracion) October 4, 2016
Sa panayam ni Jun kay Mark, iginiit ng aktor na planted daw ang one kilo na marijuana na natagpuan sa kaniyang kotse.
Ani Mark, “Konti lang po ‘yung dala ko nun tapos biglang may naglagay po ng isang kilo [marijuana] po dun sa kotse ko nang tumigil ako.”
Ngunit nang tanungin ito kung sino ang naglagay ng isang kilo ng marijuana sa kaniyang sasakyan, hindi daw niya ito maalala.
“Ah hindi ko maalala po kung sino. Ah isa po sa humuli sa akin,” sagot ni Mark Anthony.
Pero ayon kay C/INSP. Francisco Guevarra, Jr. Chief of police ng station 6 sa Angeles City na legal daw ang pagkakahuli nila sa aktor.
“Basta sa amin po legal na trabaho ‘yun, legal na operation. Medyo nanginginig nung nakuha siya, kasi nakipaghabulan nga.”
Alma Morena reacts
Base naman sa report ng Unang Balita, nakiusap ang ina ni Mark Anthony Fernandez na si Alma Moreno sa publiko na huwag husgahan ang anak niya.
Hindi pa nakakadalaw ang veteran actress sa kaniyang anak matapos tumaas ang kaniyang blood pressure nang mabalitaan na naaresto si Mark Anthony. Pinayuhan muna si Alma ng kaniyang mga doktor na magpahinga muna.
MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:
IN PHOTOS: Meet the artistahing anak of the 90s teen boy group, Gwapings
WATCH: Mark Anthony Fernandez, nakakulong matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana
WATCH: Mark Anthony Fernandez, dati nang labas-masok sa rehabilitation center