WATCH: Mark Anthony Fernandez, dati nang labas-masok sa rehabilitation center
Alamin ang latest sa drug arrest ni Mark Anthony.
Bago sumapit ang 6:30 A.M., dinala na sa PNP Angeles Crime Laboratory Office sa Camp Tomas Pepito si Mark Anthony Fernandez para sumailalim sa drug test.
WATCH: Mark Anthony Fernandez, nakakulong matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana
Ayon sa ulat ni Victoria Tulad sa Unang Balita, urine sample lamang ang kailangang kunin mula sa aktor. Paliwanag ng isang opisyal, natatagalan lang si Mark Anthony dahil hinihintay pa siyang umihi. Matapos ito ay babalik din ang aktor sa Station 6 at hihintayin na lamang ang tawag mula sa crime lab para makuha ang resulta.
Inaasahan ding ngayong umaga ay dadalhin sa prosecutor’s office si Mark Anthony para i-inquest matapos siyang makuhaan ng isang kilo ng marijuana kagabi, October 3.
Sa parehong ulat ay ibinahagi na hindi pa dumadating ang abogado ng aktor o kaya sino man sa kanyang mga kamag-anak.
Samantala, sa hiwalay na ulat ni Rhea Santos sa Unang Balita, inihayag na dati nang labas-masok sa rehabilitation center si Mark Anthony.
Mismong ang ama raw ng aktor na si Rudy Fernandez ang nagpapasok sa kanya sa rehab. Sa katunayan noong 2004 ay dito raw nag-Pasko si Mark Anthony.
Nakabuti rin daw ang rehab program sa aktor ayon sa kanyang ina na si Alma Moreno dahil nakapagtapos ito ng isang computer course sa loob. Kalaunan ay nakalabas si Mark Anthony ng rehab at nagbalik-showbiz.
Videos courtesy of GMA News
MORE ON CELEBRITIES INVOLVED IN DRUGS:
READ: Sexy starlet Krista Miller, nahuli sa isang buy-bust operation ng Quezon City Police
WATCH: Sexy star Sabrina M, isinumete sa pulisya ang mga pangalan ng mga artista na gumagamit ng droga
WATCH: DJ Karen Bordador and nobyong Emilio Lim, nahaharap sa maraming kaso dahil sa iligal na droga