WATCH: Timothy Tan nagbigay ng saloobin nang magkita sila ng kaniyang estranged wife na si Sunshine Dizon
Nagbigay din siya ng pahayag tungkol sa kanilang mga anak.
Nagbigay ng pahayag sa miyembro ng press ang estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan, ngayong araw, September 29 nang mag-file siya ng counter affidavit sa Prosecutor’s Office ng Quezon City Regional Trial Court.
Kinasuhan ni Sunshine si Timothy ng concubinage at paglabag sa Violence Against Women and their Children Act (VAWC).
Nag-file na din ngayong araw ng kaniyang counter affidavit kasama ang kaniyang abogado ang diumano’y third party sa relasyon nina Sunshine at Timothy na si Clarisma Sison. Ito ay para sa reklamong isinampa ng Kapuso actress.
Sa ulat ni Nelson Canlas para sa Chika Minute, kinumpirma din ni Timothy na nagkita nga sila ng dating asawa, pero nilinaw nito na nagkataon lang ang pangyayari na iyon.
Saad ni Timothy, “Nagkataon lang ‘yun kasi that time, parang kinuha ko ‘yung mga kids and then sakto siya ‘yung naghatid. She [was] paying [for] something yata, so nagkita lang kami.”
Masaya din daw siya na nakikita niya on a regular basis ang kaniyang mga anak na sina Anton at Doreen.
“I’m good, I’m good kasi I see my kids on a regular basis na so I’m happy for that.”
MORE ON SUNSHINE DIZON:
Sunshine Dizon, kinumpirma ang patuloy na pagbisita ni Timothy Tan sa kanilang mga anak
WATCH: Sunshine Dizon naging emosyonal matapos makaharap sina Timothy Tan at diumano'y third party nito
Isa sa mga anak ni Sunshine Dizon may paalala bago ang unang pakikipagharap sa korte kay Timothy Tan at Clarisma Sison