By MICHELLE CALIGAN
Updated On: September 12, 2020, 04:18 PM

Gaganap si Sanya bilang si Shayne Jones, ang first Mega jackpot winner ng 'Wowowin.'

Nitong Sabado, September 17, pansamantalang iiwan ni Sanya Lopez ang pagiging Danaya ng Encantadia at sasabak muna sa matinding iyakan sa Magpakailanman. Ang young actress ang gaganap bilang ang kauna-unahang Mega Jackpot winner ng Wowowin na si Shayne Jones.

LOOK: Si Sanya Lopez bilang si Shayne Jones, ang first 'Wowowin' Mega Jackpot winner, sa 'Magpakailanman'

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, naantig si Sanya sa uri ng buhay na pinagdaanan ni Shayne.

"Talagang dumating pa sa point na mahirap na sila pero ninanakawan pa rin sila. Hindi ka safe doon sa tahanan nila," kuwento ni Sanya.

Excited na rin ang aktres sa mga bagong mangyayari sa Encantadia.

LOOK: Direk Mark Reyes on the future of 'Encantadia'

"Actually kahapon pa sinabi ni Direk Mark na 'I-post n'yo na kasi 'yung requel natin tapos na.' Nakaka-excite kasi andaming papasok na character, at I'm sure na aabangan."

Nag-react din si Sanya sa mga nagkukumpara sa kanya sa Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo.

"Parang nahiya naman ako doon kasi parang kailangan ko pa yata mag-workout. Pero salamat po kung mayroon mang ganun. Grateful naman ako na mai-compare kay Ms. Kim."

Video courtesy of GMA News

MORE ON SANYA LOPEZ:

Netizens, napabilib sa pag-arte ni Sanya Lopez sa 'Encantadia'

Sanya Lopez visits abused women for 20th birthday; hopes they get inspired by Danaya