Dingdong Dantes, labis ang pasasalamat sa bagong role sa 'Alyas Robin Hood'
Sa loob ng halos 20 years na pananatili niya sa Kapuso network, iba't ibang roles na ang binigyang buhay ni Primetime King Dingdong Dantes. Ang pinakabago niyang gagampanan ay ang title role sa upcoming primetime series na Alyas Robin Hood.
WATCH: Dingdong Dantes is 'Robin Hood'
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, dream come true daw para kay Dong na gampanan ang role na ito. Nag-aral pa daw siya ng archery para mas magampanan nang mabuti ang kanyang character.
Magiging maulan daw buong linggo sabi sa balita so ilabas na ang mga hood.???? #ARH
A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
"Eighteen years na pala ako sa GMA na gumagawa ng mga teleserye, ng TV shows. Sobra lang ang feeling of gratitude, lalong lalo na nang ipagkaloob sa akin, ipagkatiwala sa akin 'yung role na Alyas Robin Hood," pahayag ng aktor.
Hango ang kuwento ng teleseryeng ito sa master plot ng English folklore na Robin Hood.
"Hindi naman talaga puwedeng mailagay sa ating mga kamay ang batas, 'di ba? Kaya challenge din sa show na 'to, para makita rin ng audience, is paano ba ang character ni Robin Hood?"
Magsisimula na ang Alyas Robin Hood ngayong Lunes, September 19, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.
MORE ON DINGDONG DANTES:
Bagong show ni Dingdong Dantes na 'Alyas Robin Hood,' naging hot topic online
WATCH: DongYan featured in the latest commercial of global fast food chain