Julie Anne San Jose, LJ Reyes at Benjamin Alves, hindi pressured sa remake ng 'Pinulot Ka Lang sa Lupa'
“‘Yung pressure po siguro, it’s good." - Benjamin
Magpapalabas ang Kapuso network ng sariling bersyon ng 1987 hit film na 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' na pinagbidahan noon nina Diamond Star Maricel Soriano at veteran actors na sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Ito ay base sa comics ng television writer at melodrama novelist na si Gilda Olvidado.
New breed of stars tulad nina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, award-winning actress LJ Reyes, at actor-model na si Benjamin Alves ang mangunguna sa 2016 remake na TV drama sa direksyon ni veteran actress-director Gina Alajar.
Bibigyang-buhay ni Julie ang role ni Lorna na si Santina. Ang bida-kontrabida naman na si Angeli na dating ginampanan ni Maricel ang role ni LJ . Mapapagitnaan si Benjamin ng dalawang Kapuso actresses bilang si Ephraim.
Ibang-iba raw ang mapapanood ngayong taon. Ayon sa interview ng Kapuso hunk sa story conference, “I think they’re changing it a bit for TV. May mga characters po na dinagdag tapos ‘yung profession po namin [ay] mas up-to-date. Kumbaga po, bibigyan po namin ng ibang kulay ‘yung napakagandang istorya.”
Kuwento naman ni LJ na si Olvidado pa rin daw ang writer ng adaptation ng GMA drama, “Siya rin ‘yung nag-include ng [ibang] characters. ‘Yung dati kasi, si Mr. Eddie Garcia daw ‘yung nag-ampon sa aming dalawa [ni Julie Anne]; ngayon [ay] magiging si Ms. Jean Garcia.”
Looking forward sina Julie Anne, LJ, at Ben na magsama sa unang pagkakaton sa isang proyekto kaya good vibes ang dala nito. Saad ng aktor, “‘Yung pressure po siguro, it’s good. I have no words, kasama ko ang dalawang magaling na artista at director.”
Ayon kay Julie Anne, ito ay para sa ikakaganda ng palabas, “It’s to make sure the roles are properly executed.”
Umaasa ang cast na mapanood ang pelikula na nakatanggap ng tatlong awards mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) Awards at tatlong nominations mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards bago sila sumabak sa taping.
MORE ON PINULOT KA LANG SA LUPA: