Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Heart Evangelista, nais gumawa ng sarili niyang home line

Updated On: February 23, 2020, 05:39 PM

Magkakaroon din daw siya ng clothing at fragrance line.

Isa raw sa mga pangarap na projects ni Kapuso actress Heart Evangelista ang pagkakaroon ng sarili niyang linya ng mga gamit pambahay. 

"I'm still fixing that, but I'm meeting with them soon," pahayag ni Heart sa ilang piling miyembro ng media, kabilang na ang GMANetwork.com.

Maraming collaborations ngayong taon si Heart. Ilan dito ay ang kanyang lipstick line kasama ang local make-up brand na Happy Skin. Susundan niya ito ng isang limited edition fragrance line kasama ang perfume brand na Whiff.

Ayon sa aktres, marami pa raw dapat abangan mula sa kanya, lalo na sa labas ng industriya ng showbiz.

"All of this won't be this year eh. I'm trying to space it out a bit according to what I'm going through in my life," bahagi niya. 

READ: Heart, tinuruang mag-schedule ng meetings ni Chiz

"Siguro the home stuff is kasi I'm building a house. I'm into all the home stuff," dagdag nito. 

Bukod dito, isang clothing line din ang pinaghahandaan niya.

"I'm also preparing for my own clothing line—nice basic cut dresses like black and whites. That's why I have my Love Marie x Whites, Love Marie x Blacks," paliwanag niya sa mga outifts na ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account. 

Nagbigay din si Heart ng ilan pang detalye tungkol sa mga koleksiyong ito. 

"Thirty pieces of outfits, 30 looks, practical finds, basic cuts that will fit any body type.  You can wear them a whole month and it doesn't look like you're repeating. That's the whole gist of the clothing line," aniya. 

Katatapos lang ng GMA Telebabad series niyang Juan Happy Love Story. Ngayon ay abala si Heart sa paghahanda para sa kanyang art exhibit sa 2017. 

MORE ON HEART EVANGELISTA:

LOOK: Heart's favorite painting

Heart Evangelista, nagsimula na ng bagong painting para sa 2017

Heart, ibinahagi ang ilang inspirasyon para sa kanyang paintings

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.