Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

#MagpaFANsin na kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa 'Usapang Real Love!'

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: March 18, 2020, 05:04 PM

Ang tambalan nina Kapuso teen stars Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang tampok sa unang love story sa 'Usapang Real Love.'

Ang tambalan nina Kapuso teen stars Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang tampok sa unang love story na maghahatid ng tuwa at kilig sa atin tuwing Linggo ng hapon sa Usapang Real Love

 

Handa na ba kayo sa #UsapangRealLove woth @migueltanfelix_ and @jakroberto SOON ON GMA! #BiGuel #URL

A photo posted by Bianca Umali (@bianx_umali) on


READ: GMA to launch first-ever interactive rom-com series ‘Usapang Real Love’
 
Gagampanan ng aktres ang katauhan ng ulilang si Grace na siyang magpapalago ng ipinamanang dessert shop mula sa kanyang mga magulang. Masipag siyang matuto ng mga panibagong dessert recipes kaya palagi niyang pinapanood ang cooking videos ng isang young YouTube chef.
 
Ang Kapuso hunk na si Jak Roberto ang gaganap bilang ang playboy na si Chef Yuan. Si Miguel naman ang gaganap bilang si Diego, ang pinsan ni Chef Yuan na nag-apply bilang baker sa store nina Grace.
 
Kanino kaya mahuhulog ang loob ng dalagitang nagpapatakbo ng kanilang family business – sa matagal na niyang crush na si Yuan o sa pinsan nito na napalapit na rin sa kanya?
 
Isang love triangle ang masisilayan sa kuwento. Gusto mo bang makaeksena ang rising love team pati na ang Kapuso hunk actor? Sumabak na sa #MagpaFANsin challenges na nasa Usapang Real Love Facebook page!
 
Pumili lamang sa limang challenges at mag-submit na ng inyong mga videos para makasama sa pilot episode ng show.
 
Panoorin din ang video nina Bianca at Miguel na sila mismo ang nagtuturo kung paano makasali sa mga video challenges. 

 
Mga Kapuso, ang “Dream Date” ng BiGuel ang magpapakilig sa atin ngayong Setyembre 25 na!

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.