Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Andre Paras, Gabbi Garcia at Ruru Madrid, parte na ng regular cast ng 'Sunday PinaSaya!'

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: March 6, 2020, 01:11 PM

Palaki nang palaki ang Sunday barkada!

Kung dati ay pasulpot-suplot lang bilang guests ng Sunday PinaSaya ang Kapuso star na si Andre Paras at ang rising love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, simula ngayong Setyembre ay mas madalas na ninyo silang makakasama tuwing Linggo.
 
LOOK: 9 Kapuso stars, dinagdag sa ‘Sunday PinaSaya’ regular cast!
 
Kasabay ng paglago ng show, mas doble ang saya, kilig at tuwa na dala ng mga stars nito dulot ng paglaki ng Sunday PinaSaya family.
 
Kilig na kilig ang mga manonood kina Kapuso Teen Queen Barbie Forteza at sa kanyang kapareha na si Andre Paras. Wala na ngang makakapigil pa sa tambalang AnBie. 

 

Good vibes lang! ???? #AnBie #SundayPinaSaya

A photo posted by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on


Sa panayam ng 24 Oras sa GabRu, kitang-kita sa mga mukha nila ang excitement. Kuwento ni Gabbi, “[I’m] super happy kasi pati the people around working for [Sunday PinaSaya], lahat sila masasaya so pati kami parang ang saya-saya namin. Totoong masaya sa Sunday PinaSaya talaga.”
 
Ayon naman sa kanyang leading man na si Ruru, matagal na pala nilang inaasam na mapabilang sa Sunday comedy-variety show.
 
“Alam naman nating lahat na number one show ‘to sa Sunday so talagang dati pa namin gusto makapasok dito and ngayon, parehas pa kaming dalawa na napasok dito sa show,” dagdag ng Kapuso teen actor.


Video courtesy of GMA News

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.