Cast ng 'Sunday PinaSaya,' nagpasalamat sa mga naki-birthday noong Linggo
May part two pa ang celebration kaya tutok ulit sa Linggo, September 11 mga Kapuso!
Nakatanggap ng masigabong palakpakan ang Sunday PinaSaya noong Linggo (September 4) nang ipagdiwang ng show ang kanilang kauna-unahang kaarawan bilang number one Sunday noontime habit.
Ipinaabot ng stars ang kanilang pasasalamat sa mga nakibahagi sa selebrasyon.
Mula sa sampung orihinal na cast, isa si rising teen star Gabbi Garcia sa mga idinagdag sa regular cast ng programa.
Taos-pusong nagpapasalamat ang dalaga na mapabilang sa show na nagbibigay saya tuwing Linggo. Aniya, “[I am] so happy to be part of this family!”
so happy to be part of this family! ???? #SundayPinasaya ????ctto
A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on
Ikinatuwa ni Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas ang post ng Encantadia star at nagpasalamat na rin siya sa mga nakipagdiwang kasama nila, “Salamat sa lahat ng nanood ng [Sunday PinaSaya] anniversary.”
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
IN PHOTOS: #HappyBirthdaySPS
Ang baguhang Kapuso actress na si Lovely Abella ay nangako ng engrandeng performance linggo-linggo, “Maraming salamat po sa inyo, sa pagmamahal niyo. Simula ngayong linggo, lalo namin pasasayahin ang linggo niyo.”
Pinakainabangan naman ang segment nina Pambansang Bae Alden Richards at ni Dubsmash Queen Maine Mendoza. Hindi nagpahuli ang tambalang Jerald Napoles at Valeen Montenegro na nakaeksena nina DJ Bae at DJ Mae.
Bukod sa pagpapasaya, puno rin ng pagmamahal ang cast para sa kanilang lumalaking pamilya kada Linggo.
Meron pang pangalawang selebrasyon ang Sunday PinaSaya ngayong Setyembre 11 kaya huwag ninyong mapalampasin ito mga Kapuso.